nakakatawa na nakakaiyak na nakakapagod.. yan siguro yung naexperience ko for the last two months (april and may) .. waiting for God's confirmation kung saan ko ba ipagpapatuloy ang 2nd year ko.. gusto kong magpalit ng course at mag-aral sa isang multimedia school pero di ko naman kayang sabihin.. pero kahit ganun, ok lang.. kasi masaya din naman ako na psychology ang course ko :)
and eto na nga.. siguro mga 2nd week ng may ng simula akong mag-ayos.. gusto ko talaga mag-transfer sa pup sta.mesa... but nung nagtanong kung kailan sila natanggap ng transferee sabi 1st week of june pa.. so umayaw ang nanay ko kasi baka daw mahuli na ko.. pero sabi ko, i'm willing to wait.. so ayun nag-antay kami.. 2nd 3rd and 4th week ng may, nag-aayos ako ng requirment.. parang ang tagal masyado noh?? haha ang tagal talaga.. ewan ko ba., ang daming nangyayari na parang kung titignan ko ay kumukontra.. haha pero dahil doon, natuto ako kung paano magkaroon ng mahabang pasensya.. nakakatawa na nga lang pag pupunta ko sa registrar at sasabihin na wala pa yung documents ko.. haha laughtrip lang talaga.. nakilala na nga ko ng registrar dahil sa pabalik balik ako.. :))
finally may 31.. nakuha ko na din ang documents ko.. yes.. june 1 bukas pwede na kong pumunta sa pup :) .. so excited and habang papunta i'm praying na Lord if this is Your will, go! .. then ayun na nga, nakarating na kami sa pup.. ang nakakatawa.. sarado ang admin.!!! laughtrip grabe na gusto kong umiyak.. na in my mind, Lord ayaw mo po talaga?? haha kasi pangalawang beses na namin na pumunta dun.. and ayun na nga., pagkagaling kong pup.. dumeretsyo ako sa cvsu imus.. pagdating dun, tenen! "kahapon po yung last exam namin.". hahaha and no choice.. cvsu indang nalang..
so monday, june 4, pumunta ko ng cvsu indang.. gusto kong kontrahin si mami kasi ung mga cmate ko na nagtry dun., seven days ang result ng exam (pero magpapa-sched pa dapat so addtional araw pa un) tapos ung sa medical two days pa., so bale kung bibilangin di na ko abot sa start ng pasukan.. pero alam mo kung ano nangyari???., biglang pinabilis ni Lord ang lahat.. that day nakapag-exam na din ako which i did not expect.. then yung result ng exam sa wednesday agad.. wahaha grabe., alam mo yun nakangiti nalang ako na naiiyak na sinasabi kay Lord.. "Lord hindi naman po halata na dito mo talaga ako gusto".. hahahaha grabe talaga yun.!!! so no choice.. welcome to me sa cvsu indang :))
and what i learned is,, minsan sinasabi natin na "Lord use me".. pero hindi naman natin Siya hinahayaan na kumontrol sa buhay natin.. isa pa.. "kung saan pa yung ayaw natin, doon pa tayo dadalhin at gagamitin ni Lord" .. and nag-flashback sakin yung bago ako mag-aral sa lyceum.. ayaw ko talaga mag-aral doon pero doon ako dinala ni Lord.. and ayun, naintindihan ko naman kung bakit Niya ko dinala dun at kung bakit psychology ang pinakuha Niya sakin. :)
and now.. expecting for more of Him :)
i know hindi ito magiging ganun kadali.. pero alam kong hindi naman Niya ko dadalhin dun na hindi Siya kasama :)
---thank you lang sa lahat ng nangyari.. sa mga delayed na documents.. sa maling spelling ng pangalan ko.. haha basta thank you.. kundi dahil dun e di siguro maaga akong nakapag-enroll sa ibang school.. haha