Sobrang saya. Sobrang okay ang lahat. Biglang boom!!! Nagising ka nalang isang araw, wala na siya, wala na yung tao/bagay na mahalaga sa'yo.
Pag kinuha ni God yung pinakamahalagang bagay/tao sa'yo, kaya mo pa ba magpasalamat sa Kanya?
Madaling sabihing oo. 'Life goes on' ika nga nila sabay ngiti na parang okay ang lahat. Pero ang totoo, gusto mo nang sumigaw, umiyak at maglaho na lang sa mundo o di naman magtago na lamang sa loob ng pencil case at maging lapis.
Mahalaga sa'yo yun eh! Tapos bigla na lang kukunin sa'yo, mawawala ng basta basta, ganun nalang? Maaari kang magalit, magtampo, magtanong. Ilang araw ka mawawalan ng gana mabuhay, malulungkot. Pero lilipas ang araw, buhay ka pa din.. unti-unting sasaya. Hindi dahil okay na sa'yo yung nangyari kundi dahil unti-unti mong nakikita yung dahilan kung bakit nawala yung bagay/tao na mahalaga sa'yo.
Maaaring ngayon nasasaktan ka, lumuluha. Pero tandaan mo na sa bawat patak ng luha mo ay may naghihintay na magandang istorya na maaari mong ibahagi sa ibang tao.
Reflect: Pag sinabi ba ni God na isuko/ bitawan mo yang tinuturing mong mahalaga sayo, willing ka ba (it may be your dreams, secured job, relationship etc.) ?
Mahirap, pero magtiwala ka na may gagawin Siyang maganda sa buhay mo :)