Saturday, August 4, 2012

Something New

wala kasing klase sa gen. psyc kaya ako nalang natira mag-isa sa room :)
new people, new classmates, new professors, new environment, new university.. yan ang masasabi ng transferee na katulad ko haha :))

halos naka isang buwan at kalahati na din pala ako dito sa bago kong school.. haaay what can  I say? normal lang naman sigurong makaramdam ng lungkot sa unang pasukan ng klase  di ba?? yung tipong wala kang permanenteng masamahan dahil irregular student ka at transferee ka.. yung pag lunch time minsan ikaw lang nakain mag-isa.. pag maglalakad ka at wala kang matambayan wala kang kaklaseng makausap at makakulitan at maka-tawanan.. yung pag nasa room ka tahimik ka lang dahil wala namang pumapansin sa  iyo dahil bago ka..at pag walang kayong klase di ka masaya dahil wala ka na namang makakausap at pupuntahan ---yan yung feeling ko ng mga unang linggo ko sa school na yun..

ngayon naman, ilan na lang dyan ung nararanasan ko.. medyo may nakakangitian na din naman kasi ako sa school at may mga nakakausap na din..

siguro kung tatanungin ako kung kamusta naman ako.. ang masasabi ko lang ay GRABE., haha grabe lang itong test sakin na ito ni Lord.. super hirap and minsan parang gusto kong sabihin kay Lord na "Lord ibalik mo nalang po ako sa dati kong school,," ., pero every time na ayan yung naiisip ko.. every time na may fear sa puso ko.. every time na gusto ko ng mag-give up.. it will always end up with God saying "I AM WITH YOU".. then every thing will be alright..

God send me here in CvSU and I know He has a purpose why I am here..hindi naman Niya ko dadalhin dito sa dahilang wala lang di ba?? and I know maraming ituturo sakin si Lord :)

and dahil nga this is something new.. thank God na meron na ulit akong smallgroup :) ., hindi new smallgroup but another smallgroup :D

God gave me reasons to stay and enjoy in this University :)

Monday, June 11, 2012

God's will

after two months of waiting.. ngayon may sagot na si Lord :)

nakakatawa na nakakaiyak na nakakapagod.. yan siguro yung naexperience ko for the last two months (april and may) .. waiting for God's confirmation kung saan ko ba ipagpapatuloy ang 2nd year ko.. gusto kong magpalit ng course at mag-aral sa isang multimedia school pero di ko naman kayang sabihin.. pero kahit ganun, ok lang.. kasi masaya din naman ako na psychology ang course ko :)

and eto na nga.. siguro mga 2nd week ng may ng simula akong mag-ayos.. gusto ko talaga mag-transfer sa pup sta.mesa... but nung nagtanong kung kailan sila natanggap ng transferee sabi 1st week of june pa.. so umayaw ang nanay ko kasi baka daw mahuli na ko.. pero sabi ko, i'm willing to wait.. so ayun nag-antay kami.. 2nd 3rd and 4th week ng may, nag-aayos ako ng requirment.. parang ang tagal masyado noh?? haha ang tagal talaga.. ewan ko ba., ang daming nangyayari na parang kung titignan ko ay kumukontra.. haha pero dahil doon, natuto ako kung paano magkaroon ng mahabang pasensya.. nakakatawa na nga lang pag pupunta ko sa registrar at sasabihin na wala pa yung documents ko.. haha laughtrip lang talaga.. nakilala na nga ko ng registrar dahil sa pabalik balik ako.. :))

finally may 31.. nakuha ko na din ang documents ko.. yes.. june 1 bukas pwede na kong pumunta sa pup :) .. so excited and habang papunta i'm praying na Lord if this is Your will, go! .. then ayun na nga, nakarating na kami sa pup.. ang nakakatawa.. sarado ang admin.!!! laughtrip grabe na gusto kong umiyak.. na in my mind, Lord ayaw mo po talaga?? haha kasi pangalawang beses na namin na pumunta dun.. and ayun na nga., pagkagaling kong pup.. dumeretsyo ako sa cvsu imus.. pagdating dun, tenen! "kahapon po yung last exam namin.". hahaha and no choice.. cvsu indang nalang..

so monday, june 4, pumunta ko ng cvsu indang.. gusto kong kontrahin si mami kasi ung mga cmate ko na nagtry dun., seven days ang result ng exam (pero magpapa-sched pa dapat so addtional araw pa un) tapos ung  sa medical two days pa., so bale kung bibilangin di na ko abot sa start ng pasukan.. pero alam mo kung ano nangyari???., biglang pinabilis ni Lord ang lahat.. that day nakapag-exam na din ako which i did not expect.. then yung result ng exam sa wednesday agad.. wahaha grabe., alam mo yun nakangiti nalang ako na naiiyak na sinasabi kay Lord.. "Lord hindi naman po halata na dito mo talaga ako gusto".. hahahaha grabe talaga yun.!!! so no choice.. welcome to me sa cvsu indang :))

and what i learned is,, minsan sinasabi natin na "Lord use me".. pero hindi naman natin Siya hinahayaan na kumontrol sa buhay natin.. isa pa.. "kung saan pa yung ayaw natin, doon pa tayo dadalhin at gagamitin ni Lord" .. and nag-flashback sakin yung bago ako mag-aral sa lyceum.. ayaw ko talaga mag-aral doon pero doon ako dinala ni Lord.. and ayun, naintindihan ko naman kung bakit Niya ko dinala dun at kung bakit psychology ang pinakuha Niya sakin. :)

and now.. expecting for more of Him :)
i know hindi ito magiging ganun kadali.. pero alam kong hindi naman Niya ko dadalhin dun na hindi Siya kasama :)


---thank you lang sa lahat ng nangyari.. sa mga delayed na documents.. sa maling spelling ng pangalan ko.. haha basta thank you.. kundi dahil dun e di siguro maaga akong nakapag-enroll sa ibang school.. haha 

Friday, June 1, 2012

so weird :]

"A weird love from God motivates me to do weird things for Him.:"

grabe..
haha yan lang masasabi ko.,
it was really really weird..haha., 

kagabi (may 31, 2012) ..hmm siguro masasabi kong chinallenge ako ni Lord that night.. bakit?? ganito kasi yun.. nung umaga.. tinext ako nung sa registrar (si ms.angie).. saying na okay na yung documents ko at pwede ko ng makuha.. and then sinave ko yung number niya although hindi naman dapat., pero sinave ko., haha., then ayun nakuha ko na., after that., nakipag-bonding muna ko kay choy (alexis).. then yun kwentuhan and ang daming niyang shinare at dami ko din natutunan...

nung gabi na., hindi ko alam kung bakit kinakanta  ko sa utak ko yung "reach one more for Jesus".. it was playing on my mind ng paulit ulit.. hanggang nahiga na ko., ayun pa din yung song and lyrics na nasa utak ko.. 

and then bigla sakin naremind yung number ni ms.angie.. and there was a voice saying na iinvite ko siya sa church.. haha and eto na nga.. andun yung "Lord ayaw ko po".. anong dahilan?? kasi nahihiya ako.. hindi naman kami close.. di ko naman dapat sinave yung number niya.. and baka anong isipin lang sakin nun.. basta ang daming negative thoughts.. pero what's the song na nasa utak ko?? "REACH ONE MORE FOR JESUS"... wala naman mawawala sakin kung iiinvite ko siya di ba? and isa pa, hindi ko na rin naman siya makikita (kung matuloy ang pagtransfer ko).. tapos isa pang naalala ko is yung mga napag-usapan namin ni choy.. isa na dun is yung natutunan niya sa regional convergence nila sa victory.. yung shinare na "some will, some won't, so what? someone is waiting." ang task ko lang naman ay i-share yung word ni God.. si Lord na ang bahalang magbago ng buhay ng taong na-sheran ko..

kaya ayun.. tinext ko si ms.angie.. after texting her., parang super nakakafulfill lang.. and parang ang saya.. wala nga namang nawala sakin...

and lahat yan nagawa ko at gagawin ko ulit dahil sa weird love ni God .. yung weird love satin ni Lord na di natin maexplain kung bakit patuloy Niya tayong minamahal kahit di tayo worth it.. kahit makasalan tayo,, and that's the same thing na dapat nating gawin.. do weird things for Him.. yung mga simpleng bagay na di maintindihan ng tao sa paligid natin kung bakit natin ginagawa.. yung mga bagay na di naman natin nagagawa dati pero ginagawa na natin ngayon dahil motivated tayo ng love ni Lord.. :)


--hindi mo dapat ikahiya si Kristo sa buhay mo.. reach out :)

Thursday, May 10, 2012

i love this Sunday :)

may 6, 2012 --- one of the most memorable Sunday for me :)

hmmm the night before that (may 5) kakauwi ko lang then sumabay ako kay daddy sa tricycle.. bigla niya kong kinausap then sabi niya "simba tayo bukas"... wow! i was surprised! hindi ko alam if joke niya lang yun or what but natuwa ako, pero di din ako nag-expect dahil baka di naman matuloy.. but then kinaumagahan ng Sunday.. tenen.!!! we're together :)

nakakatuwa lang talaga yung Sunday na yun.. and  papasok kami sa sanctuary, the song goes like this "we're gonna see what we're praying for, we believe every single word, stronger than we've ever been, standing on His promises... we're gonna see the impossible, we release the supernatural, stronger than we've ever been, we are standing on His promises." [standing by william mcdowell] .. and i cant explain what i felt that time.. super happy na hindi ko alam na basta., :)

hindi ko na matandaan yung last time na sumama samin si daddy sa church.. mga bata at nasa sunday school pa ata kami nun., and now, sumama ulit siya., super happy lang talaga., hindi ko alam if ito na yung year ng pag-harvest., ang alam ko lang is I believe in Him..I believe that God can turn the impossible to possible.. someday., every Sunday na namin makakasama si daddy pagpunta sa church.. someday.. si Daddy pa yung nangungulit samin na magsimba., I believe and claim God's promises.. kung ako nga na bago Niya, si daddy pa kaya??... haaaayyy ang sarap lang talaga sa feeling :)


keep on praying !

Monday, April 9, 2012

my hobby :)

simple photography using ambi :)
gusto ko talagang maging photographer.. haha buti nga ngayon may sarili na kong cam (hindi un dslr aa, digicam lang)., super thanks talaga kay God :D

STAND FIRM let nothing move you... 1 Corinthians 15:58 -- no matter how many struggles, trials or problems that will come on our way, let God be our strength .. don't give up :)

.. this photo was taken after our fun run.. credits to marechris's feet :)

GOD is LOVE .. God is more than enough..
Let God fill our hearts with His overflowing love..
If we have experienced His love why not share it to everyone?? specially to those who long for someone's love :)

“You are the light that shines for the world to see. You are like a city built on a hill that cannot be hidden. People don’t hide a lamp under a bowl. They put it on a lamp stand. Then the light shines for everyone in the house. In the same way, you should be a light for other people. Live so that they will see the good things you do and praise your Father in heaven." Matthew 5:14-16

I remember that verse that's why I came up with that phrase "in this dark world... God has made us to be the light" .. I don't know if my grammar is correct, hehe., but gusto ko lang sabihin., let light our lights para makilala din ng ibang tao kung sino si God :)

itong rose na ito galing sa graduation ng ate ko... bago itapon, naalala ko yang verse na yan "the grass withers and the flowers fall, but the word of our God endures forever." Isaiah 40:8 kaya ayun, naisipan ko na kunan muna yang rose na yan :)

ito yung isa sa pinaka-pangarap ko na mapicturan, yung ganyang shot.. haha and know nagawa ko na., credits to mherge.. sa labas ng room namin yan sa I.T. after finals ayan ang ginawa namin.

this is one of my favorite verse, "come to Me all you who are weary and burdened, and I will give you rest." Matthew 11:28

if we are tired, why not rest in God's loving arms? God is always available :) He is more than enough...

---this additional photos ay mga trip ko lang., hehe :)

on our way to ternate cavite.. super ganda ng mga views :) galing galing ni Lord..

itong picture naman na ito ay nung ng fun run kami sa general trias cavite.. it's sunday morning and super ganda :)

meet my pet.. choki :)
haha lhasa apso sya na may halong pomeranian.. :)


wala kong maisip na caption kaya yung suggestion nalang ni mherge ang nilagay ko, "keep of the grass" nga daw ee,. haha., sa lyceum cavite yan habang nag-aantay kami sa smallgroup :)


haaaay super love kong makawahak ng camera kahit psychology ang course ko., hehe
Im gonna use this talent for God's glory :)



God bless everyone.!

Thursday, March 22, 2012

It's a Privileged

"The Father has loved us so much! This shows how much He loved us: we are called children of God. And we really are His children." 1 John 3:1

Parang ngayon lang talaga nag-process sa utak ko kung ano ba ang ibig sabihin ng phrase na "it's a privileged". Hmmm, i remember nung ako yung inassign ng prof ko para mag-cover ng fun run. I was asking in my mind kung paano ko gagawin yun. My course is Psychology (although I edit some videos) but nasa isip ko, parang ang dami namang student na pwedeng gumawa nun na mas magaling sa akin... andyan ang mascom or multimedia student then bakit ako??.. then nung hapon pa, nakita kami ng adviser namin then nalaman niya yung about dun then sabi niya sakin galingan ko daw kasi ipapanuod daw yun sa vice president ng school..wow musta naman yun di ba? e di mas lalo akong napaisip kung paano gagawin yun..

but my point is not about the video making or sa pag-cover ng fun run..
my point is... God has given us this privileged.. the privileged to be called His sons and daughters.. maybe sinasabi natin na "Lord bakit ako?, bakit ako yung pinili Mo? bakit ako yung tinawag Mo?" then yung iba pa sinasabi.. "Lord di naman ako karapat-dapat eh,.eto lang yung kaya ko.. di naman ako talented and so on and so fort..." .. GOD LOVES YOU.. and that's all.. hindi tinitignan ni Lord yung physical mong itsura.. hindi tinitignan ni Lord yung kakayanan mo.. GOD just want you.. ikaw yung gusto ni Lord kaya ka Niya tinawag.. surrender and enjoy that privileged to be one of His children.. kung may ipapagawa man sa atin si Lord na hindi natin kaya.. yung lakas Niya ang ating magiging kalakasan.. :)

Sunday, March 11, 2012

when I die :]

the title sounds so pessimistic.. haha di naman masyado di ba??
I dont know kung bakit laging ito yung nasa isip ko.. Im always thinking na, what if namatay na ko? may iiyak kaya sakin? may malulungkot kaya? haha nakakatawa lang eh .. pero its more than that question pa pala..

when I die, makakapasok kaya ako sa heaven? when I die, ano kaya ang maaalala sakin dito sa mundo??

I remember one time nung feeling ko mamamatay na ko.. wala kong nagawa kung hindi umiyak.. I dont know why.. but then wala nga naman akong dapat ikatakot kung alam kong inaccept ko na si God sa buhay ko.. bakit ako matatakot mamatay di ba kung may assurance na naman ako sa heaven.. :) --naalala ko sabi nga ni ate shereen, "wala man akong insurance may assurance naman ako sa heaven"

and siguro if I die., ayokong ako yung maalala nila,. ayokong maalala nila ko as si jam na makulet, maingay, magulo at malakas mang trip.. ayokong maalala nila ko as laging taga-edit ng video or what... gusto ko pag namatay na ko, lahat ng taong nabahagian ko ng word ni God ay mag-stand .. I want them to do the same as I did.. hindi naman kailangan malaman ng tao sa paligid mo ang ginagawa mo 'coz God knows what you are doing.. si Lord na ang bahala sa iyo..

naalala ko dati., parang may nantrip sa section namin then sabi patay na daw ang isa naming classmate.. nagulat kami and nalungkot tapos maya maya biglang nagparamdam ung classmate namin na yun and nagulat din siya sa narinig niyang balita na yun... wow watta joke time di ba?? but then it reminds us of one thing.. SALVATION.. what if namatay na nga siya or sila, are they prepared o ikaw lang ang ma-se-save kasi hindi mo sila nabahagian about this salvation..??

before i die, i want to live my life to the fullest.. yung tipong wala ka ng palalagpasing time,. kung pwede akong makapag-share gagawin ko., saan man ako dalhin ni Lord susunod ako.. and when that time came, gusto ko pag dating ko sa heaven ..si Lord ang sasalubong sakin then sasabihin Niya sakin "it is finished" then God will wipe away every tear from my eyes (Revelation 21:4).. wooo so excited for it :)

God is the reason kung bakit ako nandito and alam kong may plano din Siya for me :)