Monday, April 29, 2013

nakakatuwa si Lord :)

watta face. hahaha

natuwa lang talaga ko sa ginawa ni Lord kagabi :)

ganito kasi un.. ung taong kasama ko sa picture, matagal tagal ko na siyang di nakakakwentuhan, I mean, parang hindi na kami ganung kaclose unlike dati.. and then kahapon nakita ko siya pero hindi ko siya tinawag.. haha .. then nung gabi na, pag-uwi ko, iniisip ko kung itetext ko ba siya.. kaso naisip ko, pag tinext ko siya parang yung sasabihin ko eh paulit ulit lang naman, and baka di rin naman siya magreply.. kaya di ko nalang siya tinext ..

so ginawa ko., nagpray na lang ako, and nakipagkwentuhan kay God.. ung prayer ko eh hindi naman ung "Lord sana po magtext si ate raquel" hahaha di ganun men! .. parang ung prayer ko eh nakikipagkwentuhan kay God, kung ano ung nararamdaman ko that time, and praying para sa safety lang nung mga taong namimiss ko na kung nasan man sila eh sana okay lang sila..na okay lang po Lord kahit na di na kami ganung ka-close kasi alam ko naman na may mga tao ka pang gustong ipa-reach out sa kanila.. and then ayun.. ansarap lang nung feeling after I pray.. and then lumabas ako sa kwarto, iniwan ko ung phone sa kama.. then after an hour bumalik ako tapos nagtext siya.. ang nakakatuwa lang eh ung text niya sakin ay kung ano ung sasabihin ko sana sa kanya.. haha ang galing lang..

nakakatuwa.. pero gusto ko lang linawin na hindi ako natuwa dahil sa nagtext siya, i mean oo masaya ako na nagparamdam siya, haha pero mas masaya ko kasi grabe lang si God.. I mean, kahit sa simpleng bagay lang kumikilos Siya.. sabi nga diba "Ask and you will receive" .. kahit ano pa man yang pinagdadaanan mo, ano man ung nararamdaman mo, share it to God kasi He is the best person na makikinig at makakatulong sa'yo :)

Thursday, April 25, 2013

Changed For The Better


"If you want to boast, boast only about the Lord" 1 Corinthians 1:31

Last night (april 24,2013) i was doing this facebook thing..haha hinahanap ko ung pinakadulo ng facebook ko, i was searching for my first status.. and dahil medyo mahaba haba, ang dami kong nabalikang posts ko and events and pictures in my past life.. 

I was laughing at myself 'coz I realized how worst I am 3 or 4 years ago.. Para akong isang bumbilya na walang liwanag.. i mean patapon na.. parang ganun ung past life ko.. in short walang impact.. I was laughing at my old post.. it was all non-sense.. 

Pero nakakatuwa lang, how God changed my life.. parang ini-imagine ko, siguro hirap na hirap si Lord na baguhin ako.. haha pero thank God kasi hindi Siya sumuko sa buhay ko.. buti nalang hindi Siya napagod na baguhin ako..

and now, I can say... "I am NOBODY but God CHANGED my life and made me into SOMEBODY."

---ung picture sa taas, the upper left (my life before) was taken when I was 3rdyr hs. then sa baba nun, that photo was taken during my water baptism last November 13, 2010, 4th yr hs ako that time.. and sa right naman.. my recent picture.. declaring "I am SAVED by His grace."---


lovelots,
jame bulalay :)

Sunday, March 31, 2013

wake up laugh from choki :)

yesterday morning (saturday) .. super laughtrip si choki.. haha kasi nga ganito yun...

si choki, every morning dinadala siya ni mamy sa kwarto namin and nasanay din si choki na pagpasok sa kwarto eh talon agad sa kama.. but last thursday, binago ko ung ayos ng kama namin.. kung dati e pa-horizontal siya, ngaun pa vertical na.. nakapasok na naman si choki dun.. pero hindi ko alam kung bakit kahapon eh pagpasok niya sa kwarto eh sumampa siya sa kama bigla.. okay lang sana kung sa bagong ayos ng kama pero hindi.. pagkatalon niya laglag din siya kasi wala naman siyang sinampahang kama.. haha i mean can u imagine jumping na ineexpect mo may sasalo sau pero wala pala.. haha and ayan ung nangyari kay choki ..

and in real life it really happen... ung kama it symbolizes our life, ung buhay natin.. binago na tayo ni Lord pero minsan bumabalik pa din tayo sa dating tayo.. and what happens? nasasaktan tayo.. kahit alam na natin na bago na ung buhay natin at hindi na natin dapat gawin ung mga bagay na dati nating ginagawa, we still dwell in our past.. sabi nga sa verse.. "if anyone is in Christ, he is a NEW creation.. the old has gone and the new has come" - 2 Corinthians 5:17 ..


wag mong sayangin ung bagong buhay na binigay sa iyo ni Lord :)
live it well :)

Saturday, March 23, 2013

The Way Back Into Love


this morning, weird thing na kinakanta ko ung song na "Way Back Into Love by Hugh Grant and Drew Barrymore" eventhough hindi ko naman ito napakinggan recently.. and when I search the whole lyrics of the song, natuwa lang ako kasi ang ganda lang ng message:

All I wanna do is find a way back into love
I can't make it through without a way back into love
and if I open my heart again
I guess I'm hoping You'll be there for me in the end.

maybe we are one of those people who is singing this song.. we are lost and we cant find the way back... but Jesus answered, "I am the WAY, the TRUTH, and the LIFE. No one comes to the Father except through Me."- John 14:6 .. He is the way back.. way back into love.. we need to open our hearts para makapasok Siya sa buhay natin.. :)

Friday, March 15, 2013

???

for the fact that I am an irregular student from this new university, isa sa kailangan kong gawin ay makabisado kahit hindi man sa pangalan, atleast sa muka ay kilala ko ung mga classmate ko para kung may kailangan itanong or what ay madali ko silang makikilala.. and thank God kasi sa almost 5 sections per sem and almost 35-40 students each section ay nakikilala ko naman ang muka nila and for some, pati ung pangalan nila... but i was just really really disappointed about this phrase na sinabi sakin kahapon nung inapproach ko ung isa namin classmate... "classmate ka ba namin" .. wow thank you ha, ..na-disappoint lang talaga ko, sila ang dami dami nila na kailangan kong makilala, pero ako na isang tao lang di nila maalala??? (i dont mean anything..haha pero regular students must also know their irregular classmates which pa-isa isa o dalawa lang naman)....

hindi naman ako galit or what, na-hurt lang talaga ko. haha...

but one thing I realized is, minsan ganun din tayo kay God.. tayong lahat kilala Niya since birth.. everything, alam Niya sa atin, pero minsan tayo parang ang reaction natin kay God ee., "ahhh Siya pala yun", "sino Siya??" ., parang ganun.. sometimes we really do ignore God and minsan wala tayong care na makilala kung sino talaga Siya kasi okay naman tayo ee., we are with our friends, loved ones.. kaya hindi natin Siya pinapansin..

let us take time to know those person na nasa paligid natin.. to know their needs.. and also to know who really God is... :)

Thursday, March 14, 2013

I am God's mighty warrior

The Lord is with you, mighty warrior... "but Lord", Gideon asked, "how can I save Israel? My clan is the weakest in Manasseh, and I am the least in my family"
Judges 6:12,15

we are all God's "mighty warrior"..
eventhough sinasabi natin na mahina tayo, na hindi natin kaya, still si God gagamitin Niya tayo and tutulungan Niya tayo.. kailangan lang eh marunong tayong makinig katulad ng ginawa ni Gideon.. God will turn all our weaknesses into strength (anonymous) kaya never tayong dapat paghinanaan ng loob..

----why look at yourself as a failure if God can see victory in your life?

Thursday, November 15, 2012

Impact

How do people know that you are a christian ? It's when you always say, "di ako pwede, andito ko sa church ee.," .... "ow sorry, pupunta kong church ngaun.," etc... ang lagi mong sinasabi ay "church" that's why people around you think that being a christian is something so religious... they thought being a christian is BORING..

But you know, if you really are a christian, or if Jesus was really in your lives.. yang tao sa paligid mo, maiinspire mo talaga.. they will wonder ano ba ang meron sa iyo at bakit ka ganyan... halimbawa, may hang out yung mga kasama mo and magiinuman sila.. hindi mo naman kailangan sabihin na "hindi ako makakasama dahil may gagawin pa ko sa church".. why don't say to them na hindi maganda ang maginom lalo na at bata pa sila... and what I am trying to say is... being a christian ay hindi nababase sa palagi kang nasa church,. dapat pinapakita mo ito through your words and deeds..yung tipong nasa loob kayo ng room, nageexam at lahat ng tao sa paligid mo nagkokopyahan and inoofer din nila yung papel nila sa iyo but still you will stand out.. you can say na "it's better to get zero kesa mangopya ako eh hindi naman tamang mangopya".. share positive words or encouraging statements to them.. at simula doon, unti unti ka ng makaka-influence at unti unti mo na din sila mababahagian ng word of God :)

it doesn't matter kung may makarecognize ng ginawa mo or wala basta ang importante ay sinusunod mo kung ano ang gustong ipagawa sa iyo ni God :)

live a life that makes an impact. hindi lang sa loob ng church kung hindi lalong lalo na sa makamundong lugar na ito :)