I remember when I was a kid... yung nasa Sunday School pa ko. May audition sa kids praise then yung teacher namin pinag-o-audition kaming tatlo ng classmate ko. In my mind, gusto kong mag-audition para pag nakapasa ko, yes! makakakanta ko sa taas pag anniversary... makikita ko ng teacher ko sa school (dun din kasi nagsisimba yung adviser ko nung elementary).. That was in my mind pa lang aa, di ko pa sinasabi sa iba. Then biglang sabi nung teacher namin sa Sunday School. Dapat pag kumanta kayo, para kay Lord at hindi para sa mga taong makakakita sa inyo. wow grabe, sapul agad ako dun...
aaminin ko super yabang ko talaga.. feeling ko ang galing galing ko.. feeling ko lahat kaya kong gawin.. but then I realized, hindi ko naman talaga kayang gawin lahat ng bagay.. hindi naman talaga ako magaling.. for those na nasa choir, nakanta sa church.. bakit ba kayo nakanta? para ba kay God o para sa sarili mo lang? kaya ka ba nakanta kasi gusto mong makita ka ng mga tao? for dancers.. why do you dance? para ba masabing ang galing mong sumayaw? kahit ano pang ginagawa mo, bakit mo ba ginagawa yan? para ba sabihan ka nilang ang galing mo? o para makita nila si Lord na kumikilos sa buhay mo?
we say that we want to follow God.. gusto natin na gamitin ni Lord ang buhay natin.. pero paano gagamitin ni Lord ang buhay natin kung minsan mas nagmamarunong pa tayo kesa sa Kanya...? paano Siya kikilos sa buhay natin kung mas nagmamagaling tayo kesa sa kakayahan Niya? ...at minsan pa, gusto natin makapag-reach out ng ibang tao pero hindi natin magawa... bakit? kasi mismong sarili natin away natin ipa-reach out kay God..
gusto gamitin ni Lord ang buhay natin... allow Him to move in our lives and change us..let us humble our selves before Him... without God, we cannot do anything..
tama na yung sarili na lang natin lagi ang iniisip natin.. maraming kabataan ang uhaw sa salita ni God.. maraming tao ang hindi alam kung may Diyos nga ba talaga.. magpagamit naman tayo kay God.. tama na yung tayo lagi ang magaling... ipakita naman natin na magaling si Lord... ipakita naman natin na kaya silang baguhin ng Panginoon katulad ng pagbago Niya sa atin..
more of Him and less of us...
No comments:
Post a Comment