... minsan sa buhay natin, masyado tayong nagmamadali.. gusto natin, tayo ang laging una, gusto natin, tayo ang nagpapatakbo ng sarili nating buhay.. hindi ba tayo napapagod every time na ginagawa natin yun?? Para tayong isang taong nasa loob ng malaking orasan na pilit ginagalaw ang kamay nito para masunod ang oras na gusto natin.. imaginine mo yun.. di ba nakakapagod??
isang halimbawa.. bata pa tayo pero gusto na agad natin magkaroon ng boyfriend o girlfriend.. then what will happen? dahil sa atat na atat tayo.. we will enter a wrong relationship.. God is saying na "anak, hindi pa pwede, bata ka pa.. hindi siya yung nilaan ko para sau." .. eh tayo masyado tayong pasaway.. pinapangunahan natin si Lord. kaya yun! in the end, tayo lang ang masasaktan..
hindi lahat ng bagay na gusto natin ay pwedeng mangyari in just a snap! we must learn how to WAIT... to wait in God's perfect time.. para lang yan gusto mong manalo sa isang contest eh 1st time mo pa lang sumali, pero gusto mo agad ikaw ung winner.. hindi naman masama mag-aim ng ganun, and in some cases ay nangyayari naman talaga un.. but my point is.. paano ka mananalo if may hindi pa okay sau?
kaya tayo pinag-aantay ni God on His perfect time ay dahil.. habang nag-aantay tayo, si God inaayos Niya tayo.. if you want to be a leader.. dapat maging servant ka muna.. may mga bagay ka pa na dapat matutunan na mag-she-shape sa ugali mo bago mo makamit yung mga pinaka gusto mo..
wag kang mainip at wag na wag mong pangunahan si God sa mga plano Niya sa buhay mo.. let God take control of everything.! kung iniisip mo napagiiwanan ka na ng panahon, iniisip mo lang yun.. dahil si Lord alam Niya ang perfect timing for your life.. :)
No comments:
Post a Comment