Sunday, September 10, 2017

Malayo



Asan ka na?
Parang ang tagal na ng huli tayong nagkita at nagkausap..
Mas masaya ba dyan kesa dito?
Akala ko saglit ka lang mawawala.. Pero dumaan ang linggo.. buwan.. sumunod na mga buwan.. hanggang umabot na ng taon.. Wala ka pa din..
Sagot mo.. andyan ka lang naman.. Nagaantay na may magaabot ng kamay.. Nagaantay na may makakarinig sa puso mong umiiyak at sumisigaw ng 'tulong'.. nagaantay sa taong tutulong sa'yo para ikaw ay makabalik pero wala..
Pagod ka na.. Mas marami ng tanong ng 'bakit? Paano? at hanggang kelan?' ang tumatakbo sa iyong isipan.. pero sa gitna ng kapaguran, isang mainit na yakap ang nagpaalala sa'yo kung sino ba talaga ang kailangan mo..
Hindi mo pa din alam kung paano makakabalik.. pero lagi mong tandaan na Siya lang ang kailangan mo.. lumayo ka man ng pagkalayo-layo.. hindi Siya mapapagod sundan at ibalik ka sa piling Niya..

lumaban ka.. Laban lang.. di ka nag-iisa.. makakabalik ka rin :)

No comments:

Post a Comment