Thursday, April 25, 2013

Changed For The Better


"If you want to boast, boast only about the Lord" 1 Corinthians 1:31

Last night (april 24,2013) i was doing this facebook thing..haha hinahanap ko ung pinakadulo ng facebook ko, i was searching for my first status.. and dahil medyo mahaba haba, ang dami kong nabalikang posts ko and events and pictures in my past life.. 

I was laughing at myself 'coz I realized how worst I am 3 or 4 years ago.. Para akong isang bumbilya na walang liwanag.. i mean patapon na.. parang ganun ung past life ko.. in short walang impact.. I was laughing at my old post.. it was all non-sense.. 

Pero nakakatuwa lang, how God changed my life.. parang ini-imagine ko, siguro hirap na hirap si Lord na baguhin ako.. haha pero thank God kasi hindi Siya sumuko sa buhay ko.. buti nalang hindi Siya napagod na baguhin ako..

and now, I can say... "I am NOBODY but God CHANGED my life and made me into SOMEBODY."

---ung picture sa taas, the upper left (my life before) was taken when I was 3rdyr hs. then sa baba nun, that photo was taken during my water baptism last November 13, 2010, 4th yr hs ako that time.. and sa right naman.. my recent picture.. declaring "I am SAVED by His grace."---


lovelots,
jame bulalay :)

Sunday, March 31, 2013

wake up laugh from choki :)

yesterday morning (saturday) .. super laughtrip si choki.. haha kasi nga ganito yun...

si choki, every morning dinadala siya ni mamy sa kwarto namin and nasanay din si choki na pagpasok sa kwarto eh talon agad sa kama.. but last thursday, binago ko ung ayos ng kama namin.. kung dati e pa-horizontal siya, ngaun pa vertical na.. nakapasok na naman si choki dun.. pero hindi ko alam kung bakit kahapon eh pagpasok niya sa kwarto eh sumampa siya sa kama bigla.. okay lang sana kung sa bagong ayos ng kama pero hindi.. pagkatalon niya laglag din siya kasi wala naman siyang sinampahang kama.. haha i mean can u imagine jumping na ineexpect mo may sasalo sau pero wala pala.. haha and ayan ung nangyari kay choki ..

and in real life it really happen... ung kama it symbolizes our life, ung buhay natin.. binago na tayo ni Lord pero minsan bumabalik pa din tayo sa dating tayo.. and what happens? nasasaktan tayo.. kahit alam na natin na bago na ung buhay natin at hindi na natin dapat gawin ung mga bagay na dati nating ginagawa, we still dwell in our past.. sabi nga sa verse.. "if anyone is in Christ, he is a NEW creation.. the old has gone and the new has come" - 2 Corinthians 5:17 ..


wag mong sayangin ung bagong buhay na binigay sa iyo ni Lord :)
live it well :)

Saturday, March 23, 2013

The Way Back Into Love


this morning, weird thing na kinakanta ko ung song na "Way Back Into Love by Hugh Grant and Drew Barrymore" eventhough hindi ko naman ito napakinggan recently.. and when I search the whole lyrics of the song, natuwa lang ako kasi ang ganda lang ng message:

All I wanna do is find a way back into love
I can't make it through without a way back into love
and if I open my heart again
I guess I'm hoping You'll be there for me in the end.

maybe we are one of those people who is singing this song.. we are lost and we cant find the way back... but Jesus answered, "I am the WAY, the TRUTH, and the LIFE. No one comes to the Father except through Me."- John 14:6 .. He is the way back.. way back into love.. we need to open our hearts para makapasok Siya sa buhay natin.. :)

Friday, March 15, 2013

???

for the fact that I am an irregular student from this new university, isa sa kailangan kong gawin ay makabisado kahit hindi man sa pangalan, atleast sa muka ay kilala ko ung mga classmate ko para kung may kailangan itanong or what ay madali ko silang makikilala.. and thank God kasi sa almost 5 sections per sem and almost 35-40 students each section ay nakikilala ko naman ang muka nila and for some, pati ung pangalan nila... but i was just really really disappointed about this phrase na sinabi sakin kahapon nung inapproach ko ung isa namin classmate... "classmate ka ba namin" .. wow thank you ha, ..na-disappoint lang talaga ko, sila ang dami dami nila na kailangan kong makilala, pero ako na isang tao lang di nila maalala??? (i dont mean anything..haha pero regular students must also know their irregular classmates which pa-isa isa o dalawa lang naman)....

hindi naman ako galit or what, na-hurt lang talaga ko. haha...

but one thing I realized is, minsan ganun din tayo kay God.. tayong lahat kilala Niya since birth.. everything, alam Niya sa atin, pero minsan tayo parang ang reaction natin kay God ee., "ahhh Siya pala yun", "sino Siya??" ., parang ganun.. sometimes we really do ignore God and minsan wala tayong care na makilala kung sino talaga Siya kasi okay naman tayo ee., we are with our friends, loved ones.. kaya hindi natin Siya pinapansin..

let us take time to know those person na nasa paligid natin.. to know their needs.. and also to know who really God is... :)

Thursday, March 14, 2013

I am God's mighty warrior

The Lord is with you, mighty warrior... "but Lord", Gideon asked, "how can I save Israel? My clan is the weakest in Manasseh, and I am the least in my family"
Judges 6:12,15

we are all God's "mighty warrior"..
eventhough sinasabi natin na mahina tayo, na hindi natin kaya, still si God gagamitin Niya tayo and tutulungan Niya tayo.. kailangan lang eh marunong tayong makinig katulad ng ginawa ni Gideon.. God will turn all our weaknesses into strength (anonymous) kaya never tayong dapat paghinanaan ng loob..

----why look at yourself as a failure if God can see victory in your life?

Thursday, November 15, 2012

Impact

How do people know that you are a christian ? It's when you always say, "di ako pwede, andito ko sa church ee.," .... "ow sorry, pupunta kong church ngaun.," etc... ang lagi mong sinasabi ay "church" that's why people around you think that being a christian is something so religious... they thought being a christian is BORING..

But you know, if you really are a christian, or if Jesus was really in your lives.. yang tao sa paligid mo, maiinspire mo talaga.. they will wonder ano ba ang meron sa iyo at bakit ka ganyan... halimbawa, may hang out yung mga kasama mo and magiinuman sila.. hindi mo naman kailangan sabihin na "hindi ako makakasama dahil may gagawin pa ko sa church".. why don't say to them na hindi maganda ang maginom lalo na at bata pa sila... and what I am trying to say is... being a christian ay hindi nababase sa palagi kang nasa church,. dapat pinapakita mo ito through your words and deeds..yung tipong nasa loob kayo ng room, nageexam at lahat ng tao sa paligid mo nagkokopyahan and inoofer din nila yung papel nila sa iyo but still you will stand out.. you can say na "it's better to get zero kesa mangopya ako eh hindi naman tamang mangopya".. share positive words or encouraging statements to them.. at simula doon, unti unti ka ng makaka-influence at unti unti mo na din sila mababahagian ng word of God :)

it doesn't matter kung may makarecognize ng ginawa mo or wala basta ang importante ay sinusunod mo kung ano ang gustong ipagawa sa iyo ni God :)

live a life that makes an impact. hindi lang sa loob ng church kung hindi lalong lalo na sa makamundong lugar na ito :)

Wednesday, November 7, 2012

lab ko toh!



this isn't a smallgroup.. big group na kasi ito ee., haha
at pansin ko lang.. halos lahat ng sinasabi ko sa blog na ito, may tungkol sa smallgroup :))

ewan ko ba.. i just can't explain what i feel every time i remember my smallgroup.. i miss them so much eventhough nagkikita naman kami minsan.. siguro dahil kasi lumipat na ko ng school kaya mas namimiss ko sila.. every time i will look back.. napapangiti lang ako kasi ang galing ni God at dinala Niya ko sa LPU para makilala ang mga taong ito..

we all came from different world.. may kanya kanyang topak kung baga.. pero akalain mo yun, naging magkakasundo kami.. we all came from brokeness.. hindi lahat literal na broken family (although some of us) but broken like some feel rejected, not appreciated, discouraged, and many more.. we are not perfect.. all of us need something na hindi namin alam kung saan mahahanap.. but thank God kasi ginather Niya kaming mga broken pieces and He made us whole.. 

I, personally.. I get my strength from God and sa smallgroup.. kahit malayo na ko sa kanila (literally) ..sila pa rin ang nagiging inspiration ko.. sila yung dahilan kung bakit hindi ako nag-gi-give up. sila ang dahilan kung bakit kahit magisa ko, bigla na lang akong mapapangiti... love na love ko ang mga taong ito kasi they are real.. haha hindi sila imaginary..!! 

basta.. thankful ako naging part sila ng buhay ko.. may kanya kanya mang trip kung minsan, silang sila pa rin yung mga taong kaya akong pa-ngitiin ng ganito :)