Thursday, November 26, 2015

something unexpected :)


I want to stop asking God why... gusto ko nalang mag-thank you ng mag-thank you :) Madami pa din tanong pero mas nangingibabaw yung 'thank You Lord' :)

I don't know what happened pero nagising na lang ako one day na may kaibigan na ko :D ... it's not that wala akong kaibigan haha pero ang hirap i-explain :)) Haha and bakit nga ba sinusulat ko ito dito?? wala lang :)) haha.. I think it's something na gusto kong balik-balikan pag dating ng araw.. it's a memory na forever kong ittreasure :)

it happened last Sunday (11-22-15)
seriously, takot ako sa tao.. hindi ako sumasama sa tao basta basta.. mas gugustuhin ko pang maggala or maglakbay mag-isa kesa may kasama ako.. haha introvert eh! :) pero ewan ko ba bakit pag kasama ko si secret friend ang gaan lang sa pakiramdam :) feeling ko matagal na kaming magkakilala.. napaka-komportable ko pag kausap ko siya.. :)

ang nasa isip ko sa pagpunta ng tagaytay eh magpapahangin lang talaga kami para matanggal ang mga stress at lungkot na nangyari from the past days but I don't know what happened at nakapag-share ako sa kanya.. I really don't talk to people when it comes to my personal story.. Yes I do write what I feel and some of my story but even my notebook doesn't know my life.. haha mas komportable lang ako na ako at ang sarili ko lang ang nakakaalam.. but then nung nagkwento na ko kay secret friend.. wala ewan.. nakakatuwa lang.. :) siguro nga first time kasing may nag-care na marinig yung story ko.. first time may na-curious sa buhay ko.. first time na may taong handang makinig dun sa nonsense na kwento ko :)

all throughout na nag-uusap kami ang gaan lang sa pakiramdam.. and naalala ko lang yung shinare nung isa naming kasama sa office nun nung OJT days.. 'shoulder' is the best part of our body.. bakit?? "because it can hold the head of a friend or a loved one when they cry.. everybody needs a shoulder to cry on sometimes in life..." and totoo nga ito.. napatunayan ko lang ito nung habang nag-uusap kami at tuwing magkasama.. it's good to have a shoulder! haha :)))

ang haba ng aming pag-uusap.. ang daming similarities na nadiscover.. and siguro nga isa yun sa reason ni God bakit kami nagkakilala.. :)

palubog na ang araw.. ang sarap pagmasdan.. ang gaan sa pakiramdam tuwing nakakakita ako ng sunset at ang pag-antay sa paglubog nito ay kakaiba sa feeling :) ang saya! mas sumaya dahil sa mga nangyari :) .. bago kami umalis hindi ko alam pero gusto ko talagang mag-pray.. mag-pray together haha siguro kasi feeling ko sasabog yung nasa loob ko.. yung joy at yung bigat?? hindi ko alam.. so kahit natatakot ako at nahihiya.. niyaya ko siyang magpray :) .. so we pray together.. first words pa lang na sinasabi kong 'thank You Lord' hindi ko alam bakit naiiyak na ko.. haha seriously! ewan ko ba.. super thankful at blessed lang ako na pinakilala siya sa'kin ni God.. and siguro andun din yung.. gusto kong may magawa ako (though it's not really my job but it's His job).. yung lahat ng pain na naexperience niya mawala through God's help.. I don't know but alam ko si God yung kikilos :) .. after mag-pray hindi ko alam umiiyak din pala siya.. ewan ang bigat.. ayoko ng ganun siya.. yung hug na na-receive ko nun kay God.. gusto ko din na ma-experience niya.. that's all I can say.. :) and ayun nung paalis na kami.. ang saya.. ang sarap sa pakiramdam.. plus idagdag mo pa yung magandang tanawin.. ang sarap lang sa pakiramdam :) parang ayoko pang umuwi.. ayoko pang matapos yung araw.. gusto ko pang makipag-usap.. or nung nasa bus.. sana di nalang huminto yung bus para hindi pa matapos yung saya.. haha :)

ang saya ng mga nangyari.. ewan.. hindi ko ma-explain bakit ako masaya :) seriously.. naiiyak ako sa sobrang saya :) thank you Lord for this blessing :) .. thank you sa kaibigan na pinadala mo :) thank you for this privilege :)

hindi ko alam kung hanggang kailan yung ganitong feeling.. kung hanggang kailan kami magiging close.. hindi ko alam baka biglang magising na lang din ako na iba na ang lahat. pero sana walang magbago.. sana hanggang forever na yung ganito na may kaibigan akong makakausap sa mga bagay-bagay.. haha seryoso! :) ewan.. madaming fears.. pero again.. thankful pa din ako :) :) :) kung may mangyari man.. alam ko si Lord naman ang bahala :)

basta .. again can't explain how thankful I am right now.. salamat Lord :)

Wednesday, November 4, 2015

she wears black :)

first time I met this girl was September 17, 2015..
it was just a normal day... wala nga atang nangyaring hi-hello or di man lang niya inintroduce yung sarili niya... all I remember was that parang lahat sila magkakamukha.. that's it! then sumunod na araw, wala busy lang kami sa OJT... then I started to stalk their pictures kasi kailangan ko para dun sa gagawing token for them... hindi ko mahanap yung account niya so pasimple naming inalam ang pangalan niya while in the testing room... pinakita naman niya yung id niya so we got her name...

after that, marami ng nangyari (of course related to our OJT)... nakakatuwa ang bawat isa.. malakas mantrip at mambully.. pero isa sa pinakamagandang ngiti sa kanila ay ang babaeng ito na itago natin sa pangalang "Bungis"... she laughed and smiles at simple things... ang saya pag tumatawa siya :) .. and days passed so fast.. mas nakikilala namin ang bawat isang empleyado dun.. di ako close kay Bungis dahil mas malapit siya sa isa naming ka-OJT though gusto ko siyang maging kaibigan kasi parang ang saya niyang kasama... pero ayun! Haha :)

then one time... habang nag-eencode ako sa computer, wala narinig ko lang na hindi pala dapat psychology ang kukunin niyang course... engineering ang gusto niya (tama nga ba ang pagkarinig ko?) .. then when I heard that, I realized na almost same kami kasi hindi naman namin gusto ang psych pero ayun yung kinuha namin... then naisip ko lang na "may purpose nga si Lord" and gusto kong maki-butt-in that time at sabihin na may purpose kung bakit sa psych siya dinala, pero syempre di naman ako ang kausap niya so tumahimik lang ako sa tapat ng computer.. haha :)

then that afternoon, mas nakilala ko lang ata siya... at natuwa lang ako sa kanya kasi yung tinatanong ako nung mga kasama namin 'bout dun sa ano daw gusto ko sa guy then hindi niya sinabi sa iba though wala naman akong sinabi na di niya sabihin but good thing at di niya rin sinabi.. then napatigil nalang ako nun at napa-smile... in my mind.. "astig 'tong taong toh ah"... wala lang, natuwa lang talaga ako nun.. napakababaw lang naman nun but for me it's a big thing already :)

then monday came, umaga pa lang ang dami ng nangyaring hindi maganda.. I felt like crying that time... even while scanning teary-eyed na ko.. muka akong ewan.. gusto kong mag-cr kasi gusto kong umiyak at mag-pray but I didn't kasi baka magtaka sila.. then in my mind.. "aa may purpose toh kung bakit nangyayari ito".. then break time.. hindi ako nag-break kasi gusto ko lang mapag-isa that time.. then etong makulit na si Bungis niyayaya akong mag-break, may pagtawag pa sa bintana.. ancute at answeet! :) napangiti talaga ako that time :) then tanghali, akala ko okay na ko.. but no.. gusto ko pa din mapag-isa that time pero wala naman akong mapupuntahan.. di naman pwede sa cr kasi lunch time, maraming nagamit... so I just decided to write.. kahit madilim tiyaga lang sa pagsulat.. then may makulit na nagbukas ng ilaw.. pero pinatay din naman niya kasi sabi ko okay lang na walang ilaw... then nung hapon.. while disposing, may binigay na note sakin yung kasama namin.. nung narinig ko na galing daw kay Bungis natuwa ako na nacurious... then nung binuksan ko aaaaa grabe!! naiiyak ako na natutuwa :) :( :) really made my day! siguro kaya ko naexperience yung lahat ng hindi magandang nangyari nung umaga to feel and experience once again God's comfort :) and yung ginamit ni God na tao para maexperience ko yun ay si Bungis :)

everytime that I will read that note, napapangiti lang talaga ako... it means a lot to me! :)

then days go by... yung ineexpect ko na till feb pa ko sa OJT biglang 2 days nalang pala.. :( it really breaks my heart :( but then andun na naman yung word na "purpose".. mahirap pero kailangan mag-obey.. so sige.. adjust in two days!

then friday... labas daw kami, bonding, kain, go! :)
habang nasa district, may nakita kaming damit at sapatos na parang may bungo.. then naalala namin si Bungis.. tapos nagtanong ako sa kasama ko kung bakit siya mahilig sa bungo.. sabi naman nung isa kong kasama, emo daw kasi si bungis.. then napaisip ako nun... though sa pagsstalk ko sa kanya or should I say, dahil sa paghahanap ko ng pic niya, nakita kong mahilig siya sa black, di ko naman naisip na ganun siya kasi ako din mahilig sa black... then napaisip din ako kasi lagi siyang nakangiti at bungisngis.. but then, sumunod na oras at araw, narealize ko, di ko pa nga siya ganung kakilala... behind those smiles and laughters ay may malalim na sugat na wala akong clue kung ano...

na-end na ko sa OJT and hindi ko na alam kung ano yung mga sumunod na pangyayari at bakit bigla na lang kaming madalas mag-usap ni Bungis...

masaya ko na nakaka-usap ko siya at pagka-usap ko siya ewan basta masaya ako :) hindi ko alam kung ano yung nangyari sa past niya that still causes her too much pain... pero feeling ko we've been with the almost same path.. ewan ko.. or mas malalim yung sa kanya..?? basta one thing for sure, may purpose, may dahilan , may reason bakit inallow kami ni Lord na magkakilala :) hindi ko pa alam kung ano yung dahilan but I pray na ma-inspire ko siya in some ways and ma-help na ma-heal through God's love...

gusto kong sabihin sa kanya na love na love na love siya ni Lord.. though it may sound corny.. but that "corny thing", that love changes me... :) that love helps me heal though still hindi pa rin ako fully healed mentally and emotionally I know nasa process na yun.. God changed me and using me and I believe siya rin gagamitin ni God.. I may/might fail to be a friend to her kasi hindi naman ako perfect kaya gusto ko rin sabihin na kay God siya mag-rely.. kasi tao lang ako (though sabi niya alien ako.. haha) tao lang kami, kaya madidisappoint at madidisappoint namin siya so dapat kay God lang nakafocus :)

and isa pa, gusto ko din sabihin na sa times na nalulungkot siya or what, lagi niya lang sabihn na "Lord pagod na pagod na po ko, payakap naman po..." it may sound corny and weird pero based on experience, it's effective :) kelangan lang maniwala si Bungis na love siya ni Lord and everything that happened to her kahit painful is for something greater :)

lastly, gusto ko sabihin sa kanya na thank you! thank you Bungis kasi hindi mo lang alam kung paano mo ko nainspire :) .. sabi ko sa'yo may kwenta ang buhay mo... di ko alam kung paano mo ko nainspire exactly pero sa maraming bagay ang alam ko.. hindi ko alam.. basta I feel so blessed kasi nakilala kita :) no regrets sa lahat ng nangyari.. di man ako naka-graduate, nagka-violation man.. okay lang lahat kasi pinakilala ka naman ni Lord sakin :) .. basta lagi mong tandaan, You are LOVED, you are BLESSED, you are HIGHLY FAVORED, you are MADE FOR MORE, again, YOU ARE LOVED :)

marami ka pang taong maiinspire if you will just let God use your life :)

wanted to end this by these quote and verse...

"You are product of your past but you don't have to be prisoners of it..."
-Rick Warren

"So don't remember what happened in earlier times. Don't think about what happened a long time ago, because I am doing something new! Now you will grow like a new plant. Surely you know this is true. I will even make a road in the desert, and rivers will flow through that dry land
."
Isaiah 43:18-19 (ERV)


dahil mahilig kang magbasa ayan ang nobela ko for you.... :)

Love,
Bulalay :D

Friday, March 21, 2014

Giving Up

I even don't know who I am right now...I feel so tired and helpless.. I'm trying to get better. I want to get better but I can't.. I want it to stop, but I can't..

in the midst of this pain, I know that you are there God... I know that You're watching me.. help me and remind me who I am.. renew my heart.. renew my passion.. help me to be a better person and help me to overcome this battle.. I can't do this on my own so please help me God.

I want to fight. I'm still fighting.

Sunday, February 23, 2014

He saw me...

Sunday will always be the day that I'm waiting for for the whole week.. eto yung araw na ii-spend mo sa church for the whole day, listening, talking, laughing and sharing the word of God.. pero simula 2014, I don't know what happened.. tinamad akong gumising ng maaga, I feel so lazy going to church.. until this day (feb 23, 2014), natulog lang ako till lunch.. I don't want to go to church and I want to make some excuses.. but then, kahit late, ayun dinala pa rin ni Lord yung mga paa ko sa church..

pagdating ko dun, iba lang yung feeling.. I was speechless, I don't even want to sing..  then I just noticed that tears fell on my eyes.. then sinasabi ko nalang kay Lord na, "pagod na pagod na ko" .. I was struggling.. there's a battle within me that I cannot defeat.. then all through out the praise and worship, I was just crying.. asking God for forgiveness and asking Him to renew my strength .. tapos yung message pa eh parang saktong sakto lang sakin..

---we are God's soldier and we're meant to be victorious.. whatever battle that we're going through right now, God can provide a way out for us.. He will never let His soldier be defeated :)

Friday, October 25, 2013

there's no word such as an 'accident'

nakaka-amaze lang si Lord :) every time na magfa-flashback ako, parang napapa-wow lang ako sa mga ginawa ni Lord :)

so let me share to you one of my story na masasabi kong there's no word such as an accident kay Lord :)

it happened May 2012 when I started to fix my requirements para sa pagtransfer ko ng school.. as far as I remember, 2nd week of May ako nag-ayos ng requirements para mas maaga ko din makuha yung papers ko.. pero ang nakakatawa mas nauna pa sila choy na matapos mag-ayos ng requirements sakin.. bakit?? eh kasi naman hindi ko rin alam.. haha joke lang.. ang dami lang nangyari.. wala pang form137, mali ang spelling ng surname ko, and then ang tagal bago mapirmahan yung papers ko.. every time na naaalala ko yun, natatawa ako, kasi kailangan yun pa talaga yung gamiting way ni God para makilala ko si ate anj / ate marie (siya kasi yung sa registrar) .. kung hindi pala ko nagtransfer ng school eh hindi ko pala siya makikilala.. and nakakabless lang talaga ^^ .. bukod kay tortoise, nagkaroon ulit ako ng ate :D

and favorite verse ko talaga toh... "all things work together for our good" Romans 8:28

minsan kung ano pa yung ayaw natin, kung ano pa yung masakit... ayun pa yung nangyayari.. katulad nga nung sakin yung sa pagtransfer ko ng school.. but then, all those things, all those pains.. ayun yung ginagamit ni Lord kasi may gusto Siya sa'yong ituro, may gusto Siya sa'yong ipakilala.. and never waste that opportunity and privilege to be used by God.. kaya kung sino man yung mga taong pinapakilala sau ni God, for sure there's a purpose behind it.. either may gagawin ka sa buhay niya or may gagawin siya sa buhay mo.. :)

never complain, never ask why.. just OBEY God and He will surely bless you :)


Friday, October 11, 2013

Exercise Your Faith

are you in the point of your life where everything is messed up and you just want to give up? kelangan mo ng healing pero lalo ka pang nagkasakit.. you are in deep pain but it seems like wala naman nangyayari every time na tinatawag mo Siya.. gusto ko lang i-share itong verse na ito...

"He never doubted that God would do what He promised. He never stopped believing. In fact, he grew stronger in his faith and just praised God. Abraham felt sure that God was able to do what He promised."
image from google
Romans 4:20-21 (ERV)

may we have that faith like 'Abraham's faith' where he did not doubt and he did not stop believing even when it seems so impossible.. exercise your faith .. kung binigay nga ni God ung kaisa-isa Niyang anak ano pa kaya ang hindi Niya kayang ibigay? He can and He will fulfill what He has promised :)


Sunday, October 6, 2013

for our good :)

at this moment, dapat busy ako sa pag-prepare for tomorrow's defense.. pero ayaw pa ng mind ko mag-focus sa research kasi grabe lang ung joy na nararamdaman ko ngayon :D

I just realize how blessed I am.. naisip ko, grabe talaga si Lord :)

"all things work together for the good" -romans 8:28 (esv)

minsan may mga bagay sa buhay natin na we question God bakit ito nangyari/ nangyayari.. minsan nagagalit o nagtatampo tayo sa Kanya.. but then.. He knows what He is doing.. alam Niya kung ano yung makakabuti satin at hindi.. He knows how to handle every situation in our lives.. and pag dumating ka sa point ng buhay mo na hindi mo gusto yung nangyayari.. TRUST HIM .. may dahilan kung bakit nangyayari yun..

and as proven in my life.. narealize ko lang na siguro kung hindi ko pinagdaanan yung mga bagay na yun, kung sumuko ako agad.. wala ako dito ngayon.. I mean.. without those trials, without those situations, hindi ako ganitong kasaya ngayon.. :D

kaya always remember na if you are bombarded with trials at this moment, God is doing something... He chose you to experience it because He wants to change and use your life :)