Thursday, November 26, 2015
something unexpected :)
I want to stop asking God why... gusto ko nalang mag-thank you ng mag-thank you :) Madami pa din tanong pero mas nangingibabaw yung 'thank You Lord' :)
I don't know what happened pero nagising na lang ako one day na may kaibigan na ko :D ... it's not that wala akong kaibigan haha pero ang hirap i-explain :)) Haha and bakit nga ba sinusulat ko ito dito?? wala lang :)) haha.. I think it's something na gusto kong balik-balikan pag dating ng araw.. it's a memory na forever kong ittreasure :)
it happened last Sunday (11-22-15)
seriously, takot ako sa tao.. hindi ako sumasama sa tao basta basta.. mas gugustuhin ko pang maggala or maglakbay mag-isa kesa may kasama ako.. haha introvert eh! :) pero ewan ko ba bakit pag kasama ko si secret friend ang gaan lang sa pakiramdam :) feeling ko matagal na kaming magkakilala.. napaka-komportable ko pag kausap ko siya.. :)
ang nasa isip ko sa pagpunta ng tagaytay eh magpapahangin lang talaga kami para matanggal ang mga stress at lungkot na nangyari from the past days but I don't know what happened at nakapag-share ako sa kanya.. I really don't talk to people when it comes to my personal story.. Yes I do write what I feel and some of my story but even my notebook doesn't know my life.. haha mas komportable lang ako na ako at ang sarili ko lang ang nakakaalam.. but then nung nagkwento na ko kay secret friend.. wala ewan.. nakakatuwa lang.. :) siguro nga first time kasing may nag-care na marinig yung story ko.. first time may na-curious sa buhay ko.. first time na may taong handang makinig dun sa nonsense na kwento ko :)
all throughout na nag-uusap kami ang gaan lang sa pakiramdam.. and naalala ko lang yung shinare nung isa naming kasama sa office nun nung OJT days.. 'shoulder' is the best part of our body.. bakit?? "because it can hold the head of a friend or a loved one when they cry.. everybody needs a shoulder to cry on sometimes in life..." and totoo nga ito.. napatunayan ko lang ito nung habang nag-uusap kami at tuwing magkasama.. it's good to have a shoulder! haha :)))
ang haba ng aming pag-uusap.. ang daming similarities na nadiscover.. and siguro nga isa yun sa reason ni God bakit kami nagkakilala.. :)
palubog na ang araw.. ang sarap pagmasdan.. ang gaan sa pakiramdam tuwing nakakakita ako ng sunset at ang pag-antay sa paglubog nito ay kakaiba sa feeling :) ang saya! mas sumaya dahil sa mga nangyari :) .. bago kami umalis hindi ko alam pero gusto ko talagang mag-pray.. mag-pray together haha siguro kasi feeling ko sasabog yung nasa loob ko.. yung joy at yung bigat?? hindi ko alam.. so kahit natatakot ako at nahihiya.. niyaya ko siyang magpray :) .. so we pray together.. first words pa lang na sinasabi kong 'thank You Lord' hindi ko alam bakit naiiyak na ko.. haha seriously! ewan ko ba.. super thankful at blessed lang ako na pinakilala siya sa'kin ni God.. and siguro andun din yung.. gusto kong may magawa ako (though it's not really my job but it's His job).. yung lahat ng pain na naexperience niya mawala through God's help.. I don't know but alam ko si God yung kikilos :) .. after mag-pray hindi ko alam umiiyak din pala siya.. ewan ang bigat.. ayoko ng ganun siya.. yung hug na na-receive ko nun kay God.. gusto ko din na ma-experience niya.. that's all I can say.. :) and ayun nung paalis na kami.. ang saya.. ang sarap sa pakiramdam.. plus idagdag mo pa yung magandang tanawin.. ang sarap lang sa pakiramdam :) parang ayoko pang umuwi.. ayoko pang matapos yung araw.. gusto ko pang makipag-usap.. or nung nasa bus.. sana di nalang huminto yung bus para hindi pa matapos yung saya.. haha :)
ang saya ng mga nangyari.. ewan.. hindi ko ma-explain bakit ako masaya :) seriously.. naiiyak ako sa sobrang saya :) thank you Lord for this blessing :) .. thank you sa kaibigan na pinadala mo :) thank you for this privilege :)
hindi ko alam kung hanggang kailan yung ganitong feeling.. kung hanggang kailan kami magiging close.. hindi ko alam baka biglang magising na lang din ako na iba na ang lahat. pero sana walang magbago.. sana hanggang forever na yung ganito na may kaibigan akong makakausap sa mga bagay-bagay.. haha seryoso! :) ewan.. madaming fears.. pero again.. thankful pa din ako :) :) :) kung may mangyari man.. alam ko si Lord naman ang bahala :)
basta .. again can't explain how thankful I am right now.. salamat Lord :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment