first time I met this girl was September 17, 2015..
it was just a normal day... wala nga atang nangyaring hi-hello or di man lang niya inintroduce yung sarili niya... all I remember was that parang lahat sila magkakamukha.. that's it! then sumunod na araw, wala busy lang kami sa OJT... then I started to stalk their pictures kasi kailangan ko para dun sa gagawing token for them... hindi ko mahanap yung account niya so pasimple naming inalam ang pangalan niya while in the testing room... pinakita naman niya yung id niya so we got her name...
after that, marami ng nangyari (of course related to our OJT)... nakakatuwa ang bawat isa.. malakas mantrip at mambully.. pero isa sa pinakamagandang ngiti sa kanila ay ang babaeng ito na itago natin sa pangalang "Bungis"... she laughed and smiles at simple things... ang saya pag tumatawa siya :) .. and days passed so fast.. mas nakikilala namin ang bawat isang empleyado dun.. di ako close kay Bungis dahil mas malapit siya sa isa naming ka-OJT though gusto ko siyang maging kaibigan kasi parang ang saya niyang kasama... pero ayun! Haha :)
then one time... habang nag-eencode ako sa computer, wala narinig ko lang na hindi pala dapat psychology ang kukunin niyang course... engineering ang gusto niya (tama nga ba ang pagkarinig ko?) .. then when I heard that, I realized na almost same kami kasi hindi naman namin gusto ang psych pero ayun yung kinuha namin... then naisip ko lang na "may purpose nga si Lord" and gusto kong maki-butt-in that time at sabihin na may purpose kung bakit sa psych siya dinala, pero syempre di naman ako ang kausap niya so tumahimik lang ako sa tapat ng computer.. haha :)
then that afternoon, mas nakilala ko lang ata siya... at natuwa lang ako sa kanya kasi yung tinatanong ako nung mga kasama namin 'bout dun sa ano daw gusto ko sa guy then hindi niya sinabi sa iba though wala naman akong sinabi na di niya sabihin but good thing at di niya rin sinabi.. then napatigil nalang ako nun at napa-smile... in my mind.. "astig 'tong taong toh ah"... wala lang, natuwa lang talaga ako nun.. napakababaw lang naman nun but for me it's a big thing already :)
then monday came, umaga pa lang ang dami ng nangyaring hindi maganda.. I felt like crying that time... even while scanning teary-eyed na ko.. muka akong ewan.. gusto kong mag-cr kasi gusto kong umiyak at mag-pray but I didn't kasi baka magtaka sila.. then in my mind.. "aa may purpose toh kung bakit nangyayari ito".. then break time.. hindi ako nag-break kasi gusto ko lang mapag-isa that time.. then etong makulit na si Bungis niyayaya akong mag-break, may pagtawag pa sa bintana.. ancute at answeet! :) napangiti talaga ako that time :) then tanghali, akala ko okay na ko.. but no.. gusto ko pa din mapag-isa that time pero wala naman akong mapupuntahan.. di naman pwede sa cr kasi lunch time, maraming nagamit... so I just decided to write.. kahit madilim tiyaga lang sa pagsulat.. then may makulit na nagbukas ng ilaw.. pero pinatay din naman niya kasi sabi ko okay lang na walang ilaw... then nung hapon.. while disposing, may binigay na note sakin yung kasama namin.. nung narinig ko na galing daw kay Bungis natuwa ako na nacurious... then nung binuksan ko aaaaa grabe!! naiiyak ako na natutuwa :) :( :) really made my day! siguro kaya ko naexperience yung lahat ng hindi magandang nangyari nung umaga to feel and experience once again God's comfort :) and yung ginamit ni God na tao para maexperience ko yun ay si Bungis :)
everytime that I will read that note, napapangiti lang talaga ako... it means a lot to me! :)
then days go by... yung ineexpect ko na till feb pa ko sa OJT biglang 2 days nalang pala.. :( it really breaks my heart :( but then andun na naman yung word na "purpose".. mahirap pero kailangan mag-obey.. so sige.. adjust in two days!
then friday... labas daw kami, bonding, kain, go! :)
habang nasa district, may nakita kaming damit at sapatos na parang may bungo.. then naalala namin si Bungis.. tapos nagtanong ako sa kasama ko kung bakit siya mahilig sa bungo.. sabi naman nung isa kong kasama, emo daw kasi si bungis.. then napaisip ako nun... though sa pagsstalk ko sa kanya or should I say, dahil sa paghahanap ko ng pic niya, nakita kong mahilig siya sa black, di ko naman naisip na ganun siya kasi ako din mahilig sa black... then napaisip din ako kasi lagi siyang nakangiti at bungisngis.. but then, sumunod na oras at araw, narealize ko, di ko pa nga siya ganung kakilala... behind those smiles and laughters ay may malalim na sugat na wala akong clue kung ano...
na-end na ko sa OJT and hindi ko na alam kung ano yung mga sumunod na pangyayari at bakit bigla na lang kaming madalas mag-usap ni Bungis...
masaya ko na nakaka-usap ko siya at pagka-usap ko siya ewan basta masaya ako :) hindi ko alam kung ano yung nangyari sa past niya that still causes her too much pain... pero feeling ko we've been with the almost same path.. ewan ko.. or mas malalim yung sa kanya..?? basta one thing for sure, may purpose, may dahilan , may reason bakit inallow kami ni Lord na magkakilala :) hindi ko pa alam kung ano yung dahilan but I pray na ma-inspire ko siya in some ways and ma-help na ma-heal through God's love...
gusto kong sabihin sa kanya na love na love na love siya ni Lord.. though it may sound corny.. but that "corny thing", that love changes me... :) that love helps me heal though still hindi pa rin ako fully healed mentally and emotionally I know nasa process na yun.. God changed me and using me and I believe siya rin gagamitin ni God.. I may/might fail to be a friend to her kasi hindi naman ako perfect kaya gusto ko rin sabihin na kay God siya mag-rely.. kasi tao lang ako (though sabi niya alien ako.. haha) tao lang kami, kaya madidisappoint at madidisappoint namin siya so dapat kay God lang nakafocus :)
and isa pa, gusto ko din sabihin na sa times na nalulungkot siya or what, lagi niya lang sabihn na "Lord pagod na pagod na po ko, payakap naman po..." it may sound corny and weird pero based on experience, it's effective :) kelangan lang maniwala si Bungis na love siya ni Lord and everything that happened to her kahit painful is for something greater :)
lastly, gusto ko sabihin sa kanya na thank you! thank you Bungis kasi hindi mo lang alam kung paano mo ko nainspire :) .. sabi ko sa'yo may kwenta ang buhay mo... di ko alam kung paano mo ko nainspire exactly pero sa maraming bagay ang alam ko.. hindi ko alam.. basta I feel so blessed kasi nakilala kita :) no regrets sa lahat ng nangyari.. di man ako naka-graduate, nagka-violation man.. okay lang lahat kasi pinakilala ka naman ni Lord sakin :) .. basta lagi mong tandaan, You are LOVED, you are BLESSED, you are HIGHLY FAVORED, you are MADE FOR MORE, again, YOU ARE LOVED :)
marami ka pang taong maiinspire if you will just let God use your life :)
wanted to end this by these quote and verse...
"You are product of your past but you don't have to be prisoners of it..."
-Rick Warren
"So don't remember what happened in earlier times. Don't think about what happened a long time ago, because I am doing something new! Now you will grow like a new plant. Surely you know this is true. I will even make a road in the desert, and rivers will flow through that dry land
."
Isaiah 43:18-19 (ERV)
dahil mahilig kang magbasa ayan ang nobela ko for you.... :)
Love,
Bulalay :D