Thursday, November 15, 2012

Impact

How do people know that you are a christian ? It's when you always say, "di ako pwede, andito ko sa church ee.," .... "ow sorry, pupunta kong church ngaun.," etc... ang lagi mong sinasabi ay "church" that's why people around you think that being a christian is something so religious... they thought being a christian is BORING..

But you know, if you really are a christian, or if Jesus was really in your lives.. yang tao sa paligid mo, maiinspire mo talaga.. they will wonder ano ba ang meron sa iyo at bakit ka ganyan... halimbawa, may hang out yung mga kasama mo and magiinuman sila.. hindi mo naman kailangan sabihin na "hindi ako makakasama dahil may gagawin pa ko sa church".. why don't say to them na hindi maganda ang maginom lalo na at bata pa sila... and what I am trying to say is... being a christian ay hindi nababase sa palagi kang nasa church,. dapat pinapakita mo ito through your words and deeds..yung tipong nasa loob kayo ng room, nageexam at lahat ng tao sa paligid mo nagkokopyahan and inoofer din nila yung papel nila sa iyo but still you will stand out.. you can say na "it's better to get zero kesa mangopya ako eh hindi naman tamang mangopya".. share positive words or encouraging statements to them.. at simula doon, unti unti ka ng makaka-influence at unti unti mo na din sila mababahagian ng word of God :)

it doesn't matter kung may makarecognize ng ginawa mo or wala basta ang importante ay sinusunod mo kung ano ang gustong ipagawa sa iyo ni God :)

live a life that makes an impact. hindi lang sa loob ng church kung hindi lalong lalo na sa makamundong lugar na ito :)

Wednesday, November 7, 2012

lab ko toh!



this isn't a smallgroup.. big group na kasi ito ee., haha
at pansin ko lang.. halos lahat ng sinasabi ko sa blog na ito, may tungkol sa smallgroup :))

ewan ko ba.. i just can't explain what i feel every time i remember my smallgroup.. i miss them so much eventhough nagkikita naman kami minsan.. siguro dahil kasi lumipat na ko ng school kaya mas namimiss ko sila.. every time i will look back.. napapangiti lang ako kasi ang galing ni God at dinala Niya ko sa LPU para makilala ang mga taong ito..

we all came from different world.. may kanya kanyang topak kung baga.. pero akalain mo yun, naging magkakasundo kami.. we all came from brokeness.. hindi lahat literal na broken family (although some of us) but broken like some feel rejected, not appreciated, discouraged, and many more.. we are not perfect.. all of us need something na hindi namin alam kung saan mahahanap.. but thank God kasi ginather Niya kaming mga broken pieces and He made us whole.. 

I, personally.. I get my strength from God and sa smallgroup.. kahit malayo na ko sa kanila (literally) ..sila pa rin ang nagiging inspiration ko.. sila yung dahilan kung bakit hindi ako nag-gi-give up. sila ang dahilan kung bakit kahit magisa ko, bigla na lang akong mapapangiti... love na love ko ang mga taong ito kasi they are real.. haha hindi sila imaginary..!! 

basta.. thankful ako naging part sila ng buhay ko.. may kanya kanya mang trip kung minsan, silang sila pa rin yung mga taong kaya akong pa-ngitiin ng ganito :)

Tuesday, October 30, 2012

Jigsaw Puzzle

after 9hours and 45minutes, natapos ko din buuin itong birthday present ng isa saking mga kaibigan.. haha super hirap buuin pero worth it naman :D

gusto ko lang i-share some of the insights na natutunan ko:

1) Minsan may mga desisyon tayong ginagawa na akala natin tama.. pero in the end malalaman mo na hindi pala un tama dahil naging negative yung resulta.. kaya dapat, we are very very careful in decision making.

2) God designed us differently... ginawa tayo ni God for a specific purpose kaya rin may kanya kanya tayong ability na tayo lang ang mayroon.. God designed you to be a writer but then pinipilit mo na magaling ka sumayaw.. yan ang dahilan kung bakit minsan nasasaktan tayo.. pinagsisiksikan natin ung sarili natin kung saan hindi tayo para doon.. dapat, kung saan ka ginawa ni God doon ko.. doon mo dapat palaguin ung talent na iyon

3) Kahit gaano kaganda ang isang jigsaw puzzle kung may kulang naman itong isang piraso, ang pangit pa din tignan kasi kulang.. katulad sa buhay natin.. kahit gaano pa kaganda (physical na maganda, or magandang status), kung wala naman si God sa buhay mo, bale wala rin.. you will NEVER be complete 'coz you miss the biggest part of you life.. and that part is, JESUS CHRIST :)


Tuesday, October 23, 2012

T.I.M.E

 october 23, 2012 -ansaya lang ng araw na ito :)

so ganito kasi yun, haha.. kahapon we set that date as our "smallgroup bonding" so plan namin, activity, devotion and then gawa ng music video.. usapan namin 10 am.. so 10am andun na ko sa meeting place, pero what happened is super tagal nila haha.. ang init init sa place and then yung iba walang confirmation if makakapunta or kung nasan na sila.. so ako inip na inip na and nagbabalak ng umuwi., tapos eto pa, may dumating na na tatlo, then pumunta na kami sa bahay and then may isang happening na napilitan akong pumunta ng robinsan pala pala., grabe talaga..gustong gusto ko na umuwi nun.. pero finally, mga before 1pm dumating na sila..

and nag decide kami mag change of plans kasi nga 1pm na., pero ang galing lang ni Lord kasi hindi Niya hinayaang mabago ung plano namin.. and then nagstart na kami.. after nung activity, hindi ko na alam kung bakit ganun yung mga sumunod na pangyayari.. super galing ni Lord.. wala sa usapan namin yun but then it happened.. even sa closing prayer, si choy pinaglead ko.. sabi niya ayaw niya but then nung nagpray na siya wala sumabog lang siguro ung nasa puso niya., haha .."out of the abundance of the heart the mouth speaks"..basta basta nakaka-amaze lang talga.. speechless., and super thankful lang kay God for what happened :D

isa pa, medyo kumpleto ulit ang smallgroup, sayang nga lang si abbhie naman ang wala., pero sa susunod kumpleto na talaga.. thank you din sa mga shinare ni ate raquel.. ang galing lang talaga ni Lord :D

and sabi nga., TIME.. Today I'll Make it Extraordinary.. our life is short that's why we should make use of our time wisely.. dapat we have no time for hatred, anger or selfishness.. let us just allow ung love ni God na mag-overflow sa hearts natin.. let us spread this love.. WAG natin hayaan na tayo lang ung nakaka-experience ng ganito.. let us share it to everyone specially to those people who feel they are not loved.. sa simpleng smile, simpleng tapik, i belive it can encourage someone :)


make everyday a DIFFERENT day :D

Wednesday, October 17, 2012

ow my swimming!

"The Lord Himself goes before you and will be with you; He will NEVER leave you nor forsake you. DO NOT be afraid; DO NOT be discouraged."
Deuteronomy 31:8

ansarap lang talaga basahin ng word ni God.. He speak through that...

and eto na nga.. kahapon, finals namin sa pe (swimming).. hindi talaga ko swimmer pero marunong naman akong lumangoy, un nga lang kinakapos ako ng hininga kaya hindi ako nakakarating sa dulo.. 

at kahapon, 9 am ang usapan pero mga 1pm na dumating ung professor namin..haha at grabe nanginginig na ko sa sobrang lamig.. pero every time na nanginginig ako, ang sinasabi ko ay "In Jesus Name" and it was really really powerful..

lahat kami problemado kung paano papasa.. lahat kami hindi kayang makarating sa dulo.. but God was just really amazing.! every time na nakakarating sila sa dulo, natatawa sila kasi sabi nila nakainom na daw sila ng tubig at kung anu-ano pa makarating lang sa dulo.. haha and after a while, now it's my turn.. hindi ko alam ano ang gagawin but as what God says in the verse above, yun ung pinanghawakan ko.. as I swim, I closed my eyes and sabi ko, hindi ako titigil hanggat di ko naaabot ung dulo.. and then finally nakarating ako sa dulo :DDD


and what I learned is.. minsan sa buhay natin, lahat naman tayo may gustong maabot or ma-achieved..and para makamit natin un, dapat nakasara ung mata natin sa discouragements.. as we walk towards our goal, there will be people who will discouraged us.. pero ang dapat ay hindi natin sila pansinin o papakinggan.. dapat deretsyo pa din tayo.. dapat naka-focus tayo kay God :)


---ansaya lang talaga na na-overcome ko ung fear ko.. hindi kataasan ang grade ko pero at least hindi ako bagsak or nag-drop :)

Wednesday, October 3, 2012

Just on Time


 they say, "Filipino time is always late".. buti na lang God's time is NEVER late, it is always on time.

... minsan sa buhay natin, masyado tayong nagmamadali.. gusto natin, tayo ang laging una, gusto natin, tayo ang nagpapatakbo ng sarili nating buhay.. hindi ba tayo napapagod every time na ginagawa natin yun?? Para tayong isang taong nasa loob ng malaking orasan na pilit ginagalaw ang kamay nito para masunod ang oras na gusto natin.. imaginine mo yun.. di ba nakakapagod??

isang halimbawa.. bata pa tayo pero gusto na agad natin magkaroon ng boyfriend o girlfriend.. then what will happen? dahil sa atat na atat tayo.. we will enter a wrong relationship.. God is saying na "anak, hindi pa pwede, bata ka pa.. hindi siya yung nilaan ko para sau." .. eh tayo masyado tayong pasaway.. pinapangunahan natin si Lord. kaya yun! in the end, tayo lang ang masasaktan..

hindi lahat ng bagay na gusto natin ay pwedeng mangyari in just a snap! we must learn how to WAIT... to wait in God's perfect time.. para lang yan gusto mong manalo sa isang contest eh 1st time mo pa lang sumali, pero gusto mo agad ikaw ung winner.. hindi naman masama mag-aim ng ganun, and in some cases ay nangyayari naman talaga un.. but my point is.. paano ka mananalo if may hindi pa okay sau?

kaya tayo pinag-aantay ni God on His perfect time ay dahil.. habang nag-aantay tayo, si God inaayos Niya tayo.. if you want to be a leader.. dapat maging servant ka muna.. may mga bagay ka pa na dapat matutunan na mag-she-shape sa ugali mo bago mo makamit yung mga pinaka gusto mo..

wag kang mainip at wag na wag mong pangunahan si God sa mga plano Niya sa buhay mo.. let God take control of everything.! kung iniisip mo napagiiwanan ka na ng panahon, iniisip mo lang yun.. dahil si Lord alam Niya ang perfect timing for your life.. :)

Tuesday, September 11, 2012

intrams insight

"never leave your partner behind" --from the movie fireproof... haha grabe lang.. niremind sakin toh ni Lord for this day..

kanina kasi, first game ko.. discuss throw.. so nagpa-trial throw na..  then yung kasama kong player ng cas nakapantalon siya, eh binawalan ata siya.. so ang nangyari, tumakbo kami sa cas building para manghiram ng shorts.. pwede naman na hayaan ko nalang siya na tumakbo mag-isa at ako maglalaro na ko pero andun pa rin ung nireremind sakin ung Philippians 2:4.. grabe lang ang pagod at hingal.. i lost my game dahil foul yung bato ko.. try mo kayang bumato ng wala ka sa sarili.. haha pero ayun.. di ko naman masisisi yung kasama ko.. ang masaklap.. nung game na nung hapon, dapat kasama ko pa din siyang player kaso.. sabi niya, manunuod na lang daw siya ng soccer.. di man lang niya ko sinamahan or nanuod nung game namin sa javelin.. haha ansaklap lang talaga.. di naman ako nangongonsensya.. pero ngaun ko lang talaga na-realize what is being selfless..

being selfless pala eh yung uunahin mo nga talaga yung kapakanan ng iba.. yung ipaparamdam mo pa rin sa kanila yung love and support.. yung hindi mo hahayaan na hindi sila okay.. yung sasamahan mo sila kahit alam mong nakakapagod..

una dapat yung iba, bago ikaw, bago yung sarili mo...
hindi pala siya madali.. pero kahit na hindi siya madali... masarap pala sa feeling pag nagawa mo yun :)

--- let us ask God to give us that kind of heart.. yung heart na marunong unahin yung kapakanan ng ibang tao.. yung heart na hindi madamot :)

Sunday, September 2, 2012

surprised.!

this Sunday (september 2, 2012) ..
God is just so amazing.!

wala lang.. hanep lang talaga yung na-feel ko kanina, mixed emotions and sabi nga ni kim, first time niya ko nakitang ganun.. haha

eto na nga kasi....
kanina sa youth fellowship sa fcie, after ng activity, wala si hanna (smallgroup leader namin) then sabi sakin ni kuya joseph kung pwedeng ako nalang daw muna maghandle.. pumayag naman ako.. pero yung kaharap ko na ung smallgroup (isa lang ang hindi first timer).. waaa grabe, haha alam mo yung feeling na kinakabahan ako at medyo natataranta na hindi malaman ang gagawin.. hehe pero i try to be calm naman kanina..

and wala lang, na-amaze lang ako kay Lord kung paano Siya magbigay ng wisdom.. i know hindi naman ako ganung ka-expert to handle a group but thank God for that another opportunity. nakakatuwa lang talaga... and sabi ko pa kay Lord before ako umattend ng service and ng fellowship, gusto ko ng magpatuloy, kahit mahirap gusto ko ng mag-commit sa Kanya.. and eto na nga sinisimulan na ni Lord...


at ang natutunan ko lang for this day... when God call you, dapat magrespond ka.. no more "eh kasi Lord", "Lord hindi naman po ko handa", "Lord hindi ko kaya" .. ang dami nating dahilan.. when God call you, hindi ka naman Niya hahayaang mag-isa.. sasamahan ka Niya :)

Thursday, August 30, 2012

God save us

dapat last wednesday ko pa ito i-she-share kaso wala kaming internet connection. haha

grabe lang talaga nung wednesday (august 29, 2012) .. nakakatawa na nakakatuwa yung nangyari sakin :)) paano ba naman kasi, late na ko nun.. tapos sa kakamadali ko, di ko na tinignan yung sign ng sinakyan kong jeep kung indang ba yun o trece.. pero sa tingin ko naman indang yun kasi ayun yung sabi nung barker and nakasakay din dun yung isang taga cvsu.. at eto na nga, dahil sa inaantok talaga ko natulog ako sa jeep.. tapos nagising na lang ako bigla kasi parang sinasabi ng driver na "dasama bayan, salitran" tapos paglingon ko, ako na lang yung pasahero, nasa trece palang kami nun.. kaya yun, madali ako ng baba..

hanep lang si manong, sobra kaya bayad ko sa kanya.. haha tapos yung nakasakay na ko ng indang na jeep, pilit kong hinahanap yung mga kasabay ko sa jeep.. haha tapos ang nakakatuwa, habang iniisip ko yung nangyari sakin, may nadaanan kaming jeep na nakalagay ay "God save us".. at tunay na tunay nga.. dahil kung hindi ako ginising ni Lord, e di nag road trip lang ako,.. balik ulit ako ng dasma.. haha

ang galing lang ni Lord, kahit sa simpleng bagay lang, lagi pa rin Siyang andyan para sa atin.. para ingatan at gabayan tayo :)

Sunday, August 26, 2012

humble = putting God above


"Humble yourself before the Lord and He will lift you up." James 4:10

I remember when I was a kid... yung nasa Sunday School pa ko. May audition sa kids praise then yung teacher namin pinag-o-audition kaming tatlo ng classmate ko. In my mind, gusto kong mag-audition para pag nakapasa ko, yes! makakakanta ko sa taas pag anniversary... makikita ko ng teacher ko sa school (dun din kasi nagsisimba yung adviser ko nung elementary).. That was in my mind pa lang aa, di ko pa sinasabi sa iba. Then biglang sabi nung teacher namin sa Sunday School. Dapat pag kumanta kayo, para kay Lord at hindi para sa mga taong makakakita sa inyo. wow grabe, sapul agad ako dun...

aaminin ko super yabang ko talaga.. feeling ko ang galing galing ko.. feeling ko lahat kaya kong gawin.. but then I realized, hindi ko naman talaga kayang gawin lahat ng bagay.. hindi naman talaga ako magaling.. for those na nasa choir, nakanta sa church.. bakit ba kayo nakanta? para ba kay God o para sa sarili mo lang? kaya ka ba nakanta kasi gusto mong makita ka ng mga tao? for dancers.. why do you dance? para ba masabing ang galing mong sumayaw? kahit ano pang ginagawa mo, bakit mo ba ginagawa yan? para ba sabihan ka nilang ang galing mo? o para makita nila si Lord na kumikilos sa buhay mo?

we say that we want to follow God.. gusto natin na gamitin ni Lord ang buhay natin.. pero paano gagamitin ni Lord ang buhay natin kung minsan mas nagmamarunong pa tayo kesa sa Kanya...? paano Siya kikilos sa buhay natin kung mas nagmamagaling tayo kesa sa kakayahan Niya? ...at minsan pa, gusto natin makapag-reach out ng ibang tao pero hindi natin magawa... bakit? kasi mismong sarili natin away natin ipa-reach out kay God..

gusto gamitin ni Lord ang buhay natin... allow Him to move in our lives and change us..let us humble our selves before Him... without God, we cannot do anything..

tama na yung sarili na lang natin lagi ang iniisip natin.. maraming kabataan ang uhaw sa salita ni God.. maraming tao ang hindi alam kung may Diyos nga ba talaga.. magpagamit naman tayo kay God.. tama na yung tayo lagi ang magaling... ipakita naman natin na magaling si Lord... ipakita naman natin na kaya silang baguhin ng Panginoon katulad ng pagbago Niya sa atin.. 


more of Him and less of us... 

Sunday, August 12, 2012

1st time

ang saya lang ng araw na ito :) .. first time ko umattend ng youth fellowship sa COG fcie..

haha wala lang, siguro dahil simula ng nagpasukan, kanina lang ulit ako nakatawa ng wagas.. haha ewan ko talaga bakit ang saya ko kanina sa youth fellowship.. siguro dahil sa mga bagong taong nakilala ko.. :)

super thank you kay Lord kasi dinala Niya ko dun.. :) haha yun nga lang, di ko alam kung makakaattend na ko ng regular dun.. paano ba naman eh ang smallgroup ata ay slash tropang illegal.. haha pag pupunta kasi si church, kanya kanyang palusot..

--- God move in our lives.. touch the hearts of our parents.. i pray na one day, sila pa ung mag-eencourage sa amin na sumali sa different activities sa church.. :)

Saturday, August 4, 2012

Something New

wala kasing klase sa gen. psyc kaya ako nalang natira mag-isa sa room :)
new people, new classmates, new professors, new environment, new university.. yan ang masasabi ng transferee na katulad ko haha :))

halos naka isang buwan at kalahati na din pala ako dito sa bago kong school.. haaay what can  I say? normal lang naman sigurong makaramdam ng lungkot sa unang pasukan ng klase  di ba?? yung tipong wala kang permanenteng masamahan dahil irregular student ka at transferee ka.. yung pag lunch time minsan ikaw lang nakain mag-isa.. pag maglalakad ka at wala kang matambayan wala kang kaklaseng makausap at makakulitan at maka-tawanan.. yung pag nasa room ka tahimik ka lang dahil wala namang pumapansin sa  iyo dahil bago ka..at pag walang kayong klase di ka masaya dahil wala ka na namang makakausap at pupuntahan ---yan yung feeling ko ng mga unang linggo ko sa school na yun..

ngayon naman, ilan na lang dyan ung nararanasan ko.. medyo may nakakangitian na din naman kasi ako sa school at may mga nakakausap na din..

siguro kung tatanungin ako kung kamusta naman ako.. ang masasabi ko lang ay GRABE., haha grabe lang itong test sakin na ito ni Lord.. super hirap and minsan parang gusto kong sabihin kay Lord na "Lord ibalik mo nalang po ako sa dati kong school,," ., pero every time na ayan yung naiisip ko.. every time na may fear sa puso ko.. every time na gusto ko ng mag-give up.. it will always end up with God saying "I AM WITH YOU".. then every thing will be alright..

God send me here in CvSU and I know He has a purpose why I am here..hindi naman Niya ko dadalhin dito sa dahilang wala lang di ba?? and I know maraming ituturo sakin si Lord :)

and dahil nga this is something new.. thank God na meron na ulit akong smallgroup :) ., hindi new smallgroup but another smallgroup :D

God gave me reasons to stay and enjoy in this University :)

Monday, June 11, 2012

God's will

after two months of waiting.. ngayon may sagot na si Lord :)

nakakatawa na nakakaiyak na nakakapagod.. yan siguro yung naexperience ko for the last two months (april and may) .. waiting for God's confirmation kung saan ko ba ipagpapatuloy ang 2nd year ko.. gusto kong magpalit ng course at mag-aral sa isang multimedia school pero di ko naman kayang sabihin.. pero kahit ganun, ok lang.. kasi masaya din naman ako na psychology ang course ko :)

and eto na nga.. siguro mga 2nd week ng may ng simula akong mag-ayos.. gusto ko talaga mag-transfer sa pup sta.mesa... but nung nagtanong kung kailan sila natanggap ng transferee sabi 1st week of june pa.. so umayaw ang nanay ko kasi baka daw mahuli na ko.. pero sabi ko, i'm willing to wait.. so ayun nag-antay kami.. 2nd 3rd and 4th week ng may, nag-aayos ako ng requirment.. parang ang tagal masyado noh?? haha ang tagal talaga.. ewan ko ba., ang daming nangyayari na parang kung titignan ko ay kumukontra.. haha pero dahil doon, natuto ako kung paano magkaroon ng mahabang pasensya.. nakakatawa na nga lang pag pupunta ko sa registrar at sasabihin na wala pa yung documents ko.. haha laughtrip lang talaga.. nakilala na nga ko ng registrar dahil sa pabalik balik ako.. :))

finally may 31.. nakuha ko na din ang documents ko.. yes.. june 1 bukas pwede na kong pumunta sa pup :) .. so excited and habang papunta i'm praying na Lord if this is Your will, go! .. then ayun na nga, nakarating na kami sa pup.. ang nakakatawa.. sarado ang admin.!!! laughtrip grabe na gusto kong umiyak.. na in my mind, Lord ayaw mo po talaga?? haha kasi pangalawang beses na namin na pumunta dun.. and ayun na nga., pagkagaling kong pup.. dumeretsyo ako sa cvsu imus.. pagdating dun, tenen! "kahapon po yung last exam namin.". hahaha and no choice.. cvsu indang nalang..

so monday, june 4, pumunta ko ng cvsu indang.. gusto kong kontrahin si mami kasi ung mga cmate ko na nagtry dun., seven days ang result ng exam (pero magpapa-sched pa dapat so addtional araw pa un) tapos ung  sa medical two days pa., so bale kung bibilangin di na ko abot sa start ng pasukan.. pero alam mo kung ano nangyari???., biglang pinabilis ni Lord ang lahat.. that day nakapag-exam na din ako which i did not expect.. then yung result ng exam sa wednesday agad.. wahaha grabe., alam mo yun nakangiti nalang ako na naiiyak na sinasabi kay Lord.. "Lord hindi naman po halata na dito mo talaga ako gusto".. hahahaha grabe talaga yun.!!! so no choice.. welcome to me sa cvsu indang :))

and what i learned is,, minsan sinasabi natin na "Lord use me".. pero hindi naman natin Siya hinahayaan na kumontrol sa buhay natin.. isa pa.. "kung saan pa yung ayaw natin, doon pa tayo dadalhin at gagamitin ni Lord" .. and nag-flashback sakin yung bago ako mag-aral sa lyceum.. ayaw ko talaga mag-aral doon pero doon ako dinala ni Lord.. and ayun, naintindihan ko naman kung bakit Niya ko dinala dun at kung bakit psychology ang pinakuha Niya sakin. :)

and now.. expecting for more of Him :)
i know hindi ito magiging ganun kadali.. pero alam kong hindi naman Niya ko dadalhin dun na hindi Siya kasama :)


---thank you lang sa lahat ng nangyari.. sa mga delayed na documents.. sa maling spelling ng pangalan ko.. haha basta thank you.. kundi dahil dun e di siguro maaga akong nakapag-enroll sa ibang school.. haha 

Friday, June 1, 2012

so weird :]

"A weird love from God motivates me to do weird things for Him.:"

grabe..
haha yan lang masasabi ko.,
it was really really weird..haha., 

kagabi (may 31, 2012) ..hmm siguro masasabi kong chinallenge ako ni Lord that night.. bakit?? ganito kasi yun.. nung umaga.. tinext ako nung sa registrar (si ms.angie).. saying na okay na yung documents ko at pwede ko ng makuha.. and then sinave ko yung number niya although hindi naman dapat., pero sinave ko., haha., then ayun nakuha ko na., after that., nakipag-bonding muna ko kay choy (alexis).. then yun kwentuhan and ang daming niyang shinare at dami ko din natutunan...

nung gabi na., hindi ko alam kung bakit kinakanta  ko sa utak ko yung "reach one more for Jesus".. it was playing on my mind ng paulit ulit.. hanggang nahiga na ko., ayun pa din yung song and lyrics na nasa utak ko.. 

and then bigla sakin naremind yung number ni ms.angie.. and there was a voice saying na iinvite ko siya sa church.. haha and eto na nga.. andun yung "Lord ayaw ko po".. anong dahilan?? kasi nahihiya ako.. hindi naman kami close.. di ko naman dapat sinave yung number niya.. and baka anong isipin lang sakin nun.. basta ang daming negative thoughts.. pero what's the song na nasa utak ko?? "REACH ONE MORE FOR JESUS"... wala naman mawawala sakin kung iiinvite ko siya di ba? and isa pa, hindi ko na rin naman siya makikita (kung matuloy ang pagtransfer ko).. tapos isa pang naalala ko is yung mga napag-usapan namin ni choy.. isa na dun is yung natutunan niya sa regional convergence nila sa victory.. yung shinare na "some will, some won't, so what? someone is waiting." ang task ko lang naman ay i-share yung word ni God.. si Lord na ang bahalang magbago ng buhay ng taong na-sheran ko..

kaya ayun.. tinext ko si ms.angie.. after texting her., parang super nakakafulfill lang.. and parang ang saya.. wala nga namang nawala sakin...

and lahat yan nagawa ko at gagawin ko ulit dahil sa weird love ni God .. yung weird love satin ni Lord na di natin maexplain kung bakit patuloy Niya tayong minamahal kahit di tayo worth it.. kahit makasalan tayo,, and that's the same thing na dapat nating gawin.. do weird things for Him.. yung mga simpleng bagay na di maintindihan ng tao sa paligid natin kung bakit natin ginagawa.. yung mga bagay na di naman natin nagagawa dati pero ginagawa na natin ngayon dahil motivated tayo ng love ni Lord.. :)


--hindi mo dapat ikahiya si Kristo sa buhay mo.. reach out :)

Thursday, May 10, 2012

i love this Sunday :)

may 6, 2012 --- one of the most memorable Sunday for me :)

hmmm the night before that (may 5) kakauwi ko lang then sumabay ako kay daddy sa tricycle.. bigla niya kong kinausap then sabi niya "simba tayo bukas"... wow! i was surprised! hindi ko alam if joke niya lang yun or what but natuwa ako, pero di din ako nag-expect dahil baka di naman matuloy.. but then kinaumagahan ng Sunday.. tenen.!!! we're together :)

nakakatuwa lang talaga yung Sunday na yun.. and  papasok kami sa sanctuary, the song goes like this "we're gonna see what we're praying for, we believe every single word, stronger than we've ever been, standing on His promises... we're gonna see the impossible, we release the supernatural, stronger than we've ever been, we are standing on His promises." [standing by william mcdowell] .. and i cant explain what i felt that time.. super happy na hindi ko alam na basta., :)

hindi ko na matandaan yung last time na sumama samin si daddy sa church.. mga bata at nasa sunday school pa ata kami nun., and now, sumama ulit siya., super happy lang talaga., hindi ko alam if ito na yung year ng pag-harvest., ang alam ko lang is I believe in Him..I believe that God can turn the impossible to possible.. someday., every Sunday na namin makakasama si daddy pagpunta sa church.. someday.. si Daddy pa yung nangungulit samin na magsimba., I believe and claim God's promises.. kung ako nga na bago Niya, si daddy pa kaya??... haaaayyy ang sarap lang talaga sa feeling :)


keep on praying !

Monday, April 9, 2012

my hobby :)

simple photography using ambi :)
gusto ko talagang maging photographer.. haha buti nga ngayon may sarili na kong cam (hindi un dslr aa, digicam lang)., super thanks talaga kay God :D

STAND FIRM let nothing move you... 1 Corinthians 15:58 -- no matter how many struggles, trials or problems that will come on our way, let God be our strength .. don't give up :)

.. this photo was taken after our fun run.. credits to marechris's feet :)

GOD is LOVE .. God is more than enough..
Let God fill our hearts with His overflowing love..
If we have experienced His love why not share it to everyone?? specially to those who long for someone's love :)

“You are the light that shines for the world to see. You are like a city built on a hill that cannot be hidden. People don’t hide a lamp under a bowl. They put it on a lamp stand. Then the light shines for everyone in the house. In the same way, you should be a light for other people. Live so that they will see the good things you do and praise your Father in heaven." Matthew 5:14-16

I remember that verse that's why I came up with that phrase "in this dark world... God has made us to be the light" .. I don't know if my grammar is correct, hehe., but gusto ko lang sabihin., let light our lights para makilala din ng ibang tao kung sino si God :)

itong rose na ito galing sa graduation ng ate ko... bago itapon, naalala ko yang verse na yan "the grass withers and the flowers fall, but the word of our God endures forever." Isaiah 40:8 kaya ayun, naisipan ko na kunan muna yang rose na yan :)

ito yung isa sa pinaka-pangarap ko na mapicturan, yung ganyang shot.. haha and know nagawa ko na., credits to mherge.. sa labas ng room namin yan sa I.T. after finals ayan ang ginawa namin.

this is one of my favorite verse, "come to Me all you who are weary and burdened, and I will give you rest." Matthew 11:28

if we are tired, why not rest in God's loving arms? God is always available :) He is more than enough...

---this additional photos ay mga trip ko lang., hehe :)

on our way to ternate cavite.. super ganda ng mga views :) galing galing ni Lord..

itong picture naman na ito ay nung ng fun run kami sa general trias cavite.. it's sunday morning and super ganda :)

meet my pet.. choki :)
haha lhasa apso sya na may halong pomeranian.. :)


wala kong maisip na caption kaya yung suggestion nalang ni mherge ang nilagay ko, "keep of the grass" nga daw ee,. haha., sa lyceum cavite yan habang nag-aantay kami sa smallgroup :)


haaaay super love kong makawahak ng camera kahit psychology ang course ko., hehe
Im gonna use this talent for God's glory :)



God bless everyone.!

Thursday, March 22, 2012

It's a Privileged

"The Father has loved us so much! This shows how much He loved us: we are called children of God. And we really are His children." 1 John 3:1

Parang ngayon lang talaga nag-process sa utak ko kung ano ba ang ibig sabihin ng phrase na "it's a privileged". Hmmm, i remember nung ako yung inassign ng prof ko para mag-cover ng fun run. I was asking in my mind kung paano ko gagawin yun. My course is Psychology (although I edit some videos) but nasa isip ko, parang ang dami namang student na pwedeng gumawa nun na mas magaling sa akin... andyan ang mascom or multimedia student then bakit ako??.. then nung hapon pa, nakita kami ng adviser namin then nalaman niya yung about dun then sabi niya sakin galingan ko daw kasi ipapanuod daw yun sa vice president ng school..wow musta naman yun di ba? e di mas lalo akong napaisip kung paano gagawin yun..

but my point is not about the video making or sa pag-cover ng fun run..
my point is... God has given us this privileged.. the privileged to be called His sons and daughters.. maybe sinasabi natin na "Lord bakit ako?, bakit ako yung pinili Mo? bakit ako yung tinawag Mo?" then yung iba pa sinasabi.. "Lord di naman ako karapat-dapat eh,.eto lang yung kaya ko.. di naman ako talented and so on and so fort..." .. GOD LOVES YOU.. and that's all.. hindi tinitignan ni Lord yung physical mong itsura.. hindi tinitignan ni Lord yung kakayanan mo.. GOD just want you.. ikaw yung gusto ni Lord kaya ka Niya tinawag.. surrender and enjoy that privileged to be one of His children.. kung may ipapagawa man sa atin si Lord na hindi natin kaya.. yung lakas Niya ang ating magiging kalakasan.. :)

Sunday, March 11, 2012

when I die :]

the title sounds so pessimistic.. haha di naman masyado di ba??
I dont know kung bakit laging ito yung nasa isip ko.. Im always thinking na, what if namatay na ko? may iiyak kaya sakin? may malulungkot kaya? haha nakakatawa lang eh .. pero its more than that question pa pala..

when I die, makakapasok kaya ako sa heaven? when I die, ano kaya ang maaalala sakin dito sa mundo??

I remember one time nung feeling ko mamamatay na ko.. wala kong nagawa kung hindi umiyak.. I dont know why.. but then wala nga naman akong dapat ikatakot kung alam kong inaccept ko na si God sa buhay ko.. bakit ako matatakot mamatay di ba kung may assurance na naman ako sa heaven.. :) --naalala ko sabi nga ni ate shereen, "wala man akong insurance may assurance naman ako sa heaven"

and siguro if I die., ayokong ako yung maalala nila,. ayokong maalala nila ko as si jam na makulet, maingay, magulo at malakas mang trip.. ayokong maalala nila ko as laging taga-edit ng video or what... gusto ko pag namatay na ko, lahat ng taong nabahagian ko ng word ni God ay mag-stand .. I want them to do the same as I did.. hindi naman kailangan malaman ng tao sa paligid mo ang ginagawa mo 'coz God knows what you are doing.. si Lord na ang bahala sa iyo..

naalala ko dati., parang may nantrip sa section namin then sabi patay na daw ang isa naming classmate.. nagulat kami and nalungkot tapos maya maya biglang nagparamdam ung classmate namin na yun and nagulat din siya sa narinig niyang balita na yun... wow watta joke time di ba?? but then it reminds us of one thing.. SALVATION.. what if namatay na nga siya or sila, are they prepared o ikaw lang ang ma-se-save kasi hindi mo sila nabahagian about this salvation..??

before i die, i want to live my life to the fullest.. yung tipong wala ka ng palalagpasing time,. kung pwede akong makapag-share gagawin ko., saan man ako dalhin ni Lord susunod ako.. and when that time came, gusto ko pag dating ko sa heaven ..si Lord ang sasalubong sakin then sasabihin Niya sakin "it is finished" then God will wipe away every tear from my eyes (Revelation 21:4).. wooo so excited for it :)

God is the reason kung bakit ako nandito and alam kong may plano din Siya for me :)

Monday, March 5, 2012

I Received Him :)

"... for the Word of God is powerful." - Hebrew 4:12
Before, hindi ganun katindi yung paniniwala at faith ko kay Lord, hindi ako madalas magpray, dati maaalala ko lang si Lord kung may kailangan ako na para sa sarili ko lang, ngayon masaya ako kasi hindi nanatili sa akin yung ganung kaisipan. Nagbago lahat ng kaisipang yun ng makilala ko ang isang tao na nagpakilala sa akin kung sino si Lord. Simpleng tao lang siya, pero yung simpleng tao na yun special sya kay Lord, kasi nagiging instrument sya para mapalapit at makilala ng ibang youth si Lord. Sino siya? Jaimielyn Raymundo :)

Hindi ko akalain na ang pagsama ko sa isang event ang magiging simula ng pagtanggap ko kay Lord. February 23, 2012 - ininvite kami ng friend namin sa isang acoustic night. Nung uwian na tinanong ako ni Jam, kung sumabay ba ako sa prayer nung closing na, sabi ko, oo (I don't know why, pero habang sinasabayan ko yung prayer nung time na yun e biglang lumuha yung mga mata ko). Then, binati niya ko ng happy birthday, sabi ko para saan? Sabi nya, it's my Spiritual Bday. Hindi ko napigilan, lumuha na naman yung mga mata ko, habang nasa byahe ako pauwi. Hindi ko man ma-express through words, alam ko alam ni Lord kung gaano ako kasaya that time. :)

The wonderful thing is that you don't have to wait for God to receive you. He is waiting for you to receive Him. Hindi mo kailangan gumawa ng kahit ano bago ka Niya tanggapin, our relationship with God is not because of "good works" but it is a "gift of God". Not one of us could ever earn or deserve God's love and forgiveness. He gives it free to anyone who will stop trusting in his own good works and will place all his faith in the Lord.

Masaya ako kasi nakapagshare ako, at hindi dito matatapos ang pagtanggap at pagkilala ko kay Lord. The Lord is waiting for us to receive Him, allow Him to move your life as I did. :))

SMILE :))

- JESSICA QUERO SODELA :)

Sunday, March 4, 2012

birthday ko noong 3rd year (2009)



october 28, 2009 -- wednesday.. anong meron?? birthday ko at birthday ni judy.. hmmm october 30 fieldtrip namin.. dapat eto yung surprise nila sakin.. dapat kasi ipapalabas itong video sa araw ng fieldtrip namin.. dun sa bus., haha kaso nga lang hindi naburn.. surprise di ba??., haha anyways., after fieldtrip matagal-tagal din bago nila sakin ito napanuod., naging sinehan pa nga ang bahay namin dahil doon kami nanuod., haha nakakaloko lang ee.,

third year ako that time.. masasabi kong third year siguro ang pinaka-worst year for me nung highschool.. worst and siguro memorable birthday na din., haha and alam naman ng samarinum kung ano ang nangyari.. pero kahit ganoon pa man.. ansaya pa din maging Rizal.. ang daming kalokohan.. boycot.. awayan.. tawanan at syempre pagkakaisa..

i just want to thank yung mga taong naging utak sa likod nitong video greeting na ito.. syempre si manong ben, si bitzy ced.. bytameens keren ko., and ape., and syempre si ria., haha super thanks :)


---note: hindi ko pa kilala si Lord that year.. same with my classmates.. but lahat ng nangyari nung third year ang ginawang way ni Lord para makilala namin Siya., ang galing talaga ni Lord :)

Exodus 14:14



"The Lord will fight for you, you need only to be still." Exodus 14:14

Simula ng pumasok ang 2012 ang dami ng nangyari sa buhay ko. Specially nung New Year's Eve. Happy na sad that day. Happy for another year but sad sa mood ng mga tao sa bahay. Another one is yung eye-opener sakin for this year. I don't know how to react in that situation and I don't know what to do. Isa pa, right now hindi ko alam kung anong klaseng sakit ang dumapo sakin but still I know God will never leave me.

I'm tired...
I know ayoko na.. but what keeps me going is the people around me.. it's good to see those people na ikaw yung naging way para makilala nila si Lord.. one of my friend said "kung tatanungin ako kung sinong unang taong nakapag-introduce sakin kay God, sasabihin ko si Jam"... wow nakaktuwa naman... kahit nakakapagod mamuhay dito sa mundong ibabaw nakakatuwang isipin na may na-i-inspire at na-e-encourage ka palang mga tao..

and as I face those problems in my life.. I know hindi madali, I know gusto ko ng mag-give up.. but God said "I WILL FIGHT FOR YOU" GOD will fight for me.. so anung say ng mga kaaway ko di ba??? God is with me.. God is with me.. and God is with me.. Walang dahilan para matakot ako.. walang dahilan para mahiya ako.. at mas lalong walang dahilan para sumuko ako..

God is always by my side.. and I just love staying in His presence.. yung feeling na ang lungkot lungkot mo then God is always there to comfort you.. yung pinanghihinaan ka na ng loob pero bigla mong maaalala yang verse na yan na "GOD WILL FIGHT FOR YOU" then everything will be alright..

this year will be a tougher year.. but as the Lord reveal to me this verse I know ano man ang pagdaanan ko ngaung taon kasama ko si Lord... ang kailangan lang ay wag akong mag-give up.. sabi nga "never let your emotions overcome your faith" ..be still and know that He is God... He is the God that will fight for you... :)

Monday, February 20, 2012

my labor is NOT in vain :)

"Therefore, my dear brothers and sisters, stand firm. Let nothing move you. Always give yourselves fully to the work of the Lord, because you know that your labor in the Lord is not in vain." 1 Corinthians 15:58


are we tired in serving the Lord?? do we feel that nothing happens sa ginagawa natin?? yung feeling na ang tagal tagal mo ng nag-aantay, nagpapakapagod but then yung result wala pa rin... maybe ganyan yung nararanasan mo ngayon, but I tell you, your labor is NOT in vain...napatunayan na yun ni Lord sa buhay ko and now Im willing to share it..

4th year high school ako nung una akong nag-share ng word ni God sa mga classmates ko... ok naman.. may mga rejections, andun pa rin yung mga discouragements and makikita mo din kung naggo-grow ba sila or not.. somehow napapagod na din ako kasi feeling ko wala namang nangyayari.. feeling ko, kahit na anong gawin ko hindi na sila magbabago.. but then sabi nga sa word ni Lord "You must give them my message whether they listen or not." Ezekiel 2:7 ..hindi naman ako ang magbabago sa kanila kundi si Lord.. ang kailangan ko lang gawin ay wag mapagod sa pagshare ng word Niya... and wag mapagod na iinvite sila sa church..

and then...
1st year college na ko.. I was surprised seeing some of my classmates sa church (Church of God) kahit di ko sila tinetext ..not expected.. but I am so happy.. nakakatuwa lang kasi before kailangan mo pa sila tadtarin ng text para lang pumunta sa church, kailangan kasama ka pa nila para pumunta sila doon but then sa isang iglap lang nagbago ang lahat... nakakatuwa si Lord , kahit na college na ako masaya pa din kasi alam kong hindi nasayang yung effort na ginawa ko nung high school.. and hindi lang yan, meron pang isa..

dahil college na ko, syempre new environment naman, bagong classmates :) bagong mga taong pwede kang makapag-share..bagong harvest... ayan ang naka-set sa utak ko bago magpasukan..

God is so good kasi binigyan NIya ko ng smallgroup sa school.. i won't say na bagong sakit sa ulo yun but bagong mga seeds na dapat tumubo :)

July 25,2011 ... first devotion with them.. and kasama nga sa first prayer namin na "hindi matatapos ang sem na ito na walang nag-go-grow" ... natapos ang first sem then the result so great.!! may mga nag-grow.. next sem... eto hindi pa rin tapos ang sem pero makikita mo na halos lahat nag-go-grow na., wow tears!!!! I just can't express how happy I am right now... naririnig ni Lord ang prayers namin.. hindi Niya hinahayaan na hindi kami mag-grow...ang saya-saya lang talaga.. I pray na someday makita ko ang bawat isa na may kanya-kanya na ding smallgroup na hinahandle :)


and right now..
I know ang buhay Kristyano ay hindi madali.. pag pinili mo si Lord mas marami kang nararanasan na hindi mo ineexpect.. mafi-feel mong mag-give up ng maraming beses.. but I tell you.. masarap sa feeling ni Lord.. no joy can equal the joy of serving the Lord.. kung napapagod ka na., rest in God's loving arms,. hayaan mong yakapin ka ni Lord.. hayaan mong punasan Niya yang tears sa mga mata mo.. don't and never give up because God is with you.. nakikita Niya kung anong ginagawa mo.. your labor is not in vain.. wait patiently 'cause God is working.. have faith.!

Thursday, February 9, 2012

blessed :D



I am blessed, I am blessed, I am blessed :)
no words can express how happy I am sa smallgroup ko sa school..
nakakatuwa si Lord.. unti unti ng naggo-grow lahat.. thank You kay Lord for changing us.. thank You kasi ginagamit Niya ko, kami, to encourage and inspire each other..

I don't know kung anu pa ang plano ni Lord sakin..hindi ko pa alam if papayagan Niya ko lumipat ng school..but if may papagawa sakin si Lord dun, okay na okay.. :) i want to reach out more youths for God..

kahit nakakalungkot man kasi di mo na lagi makakasama yung mga friends mo, andun yung joy kasi alam mong nag-grow na sila, and alam mong ginamit ka ni Lord.. and I want this life na gamitin pa ni Lord to reach out for more... :) i pray na kahit na magkahiwa hiwalay man kami, we will stand and we will pray for each other... :)


ang saya saya pag si Lord ay nasa buhay ng bawat isa..
excited for more of Him :D
super blessed :D

Arapaap



ARAPAAP --> Ilocano term for Pangarap

This is the first short film that I did. At the same time, this is the first film making contest that I joined. We had fun doing this short film, in spite of discouragements, disappointments...still God made a way for us to finish this one.

Finally January 30,2012.. awards night.. hoping to get an award because we are confident enough that we will win.. but unfortunately..we didn't.. we are surprised..very surprised about the result.. but still, it is God's will.. Even though we didn't won, I am glad that there are people who approach us after the awarding..people who appreciate the story and said it was beautiful-- Arapaap must be the best story.. (but there is no best story award).. but I am happy with the success of the film :)

While making the film, we learned a lot of things.. patience, time management, cooperation, to make your mind function even though how tired you are, laugh so hard, enjoy what you are doing and most of all TRUST.. TRUST THE LORD with all your heart.. this film will not be made possible if God didn't helped us.. the story came from Him.. He use His people to help us finish this one and most of all.. He is the one who gave us strength and wisdom while making this film... that's why I really thank Him for being with us... we are VICTORIOUS because of GOD :)
:
this is just the beginning of my dream... to make a film that will inspire people.. I really want to be a director someday or anything that connects in film making.. hoping and praying for God's will.. :)


short background about the story or how we came up with the story of Arapaap..
the theme was (portrayal of Filipino life revealing the hopes and dreams of every Juan dela Cruz towards success and fulfillment as they contribute to the society)

the inspiration in making the story of Arapaap was based on reality and experience as well.. As a student who has a dream, money or our status in our life must not be a hindrance in reaching our goals... it may appear impossible for some but if you will put your trust to the one who made us --God, there will never be an impossible word... "Everything is possible for Him who believes" as it is said to Mark 9:23... NOTHING IS IMPOSSIBLE!!! just trust God.. Don't worry, He will use a lot of people just to reach you.. God can see you, God can hear you, God loves you :D


may you be blessed with this one...
just continue dreaming..
God knows what's best for you :D

Friday, January 6, 2012

Matthew West - Strong Enough



this is what i feel...
i dont have the words to say what's inside of me right now but this song has the perfect words....

mixed emotions.. that's all i can say..
i'm tired of being a pretender.. always pretending that I am strong which is not.. i cant explain myself., i cant tell to anyone what i feel..

God You are all I need.. im not strong.. but by Your strength I know that I can face every challenges that I am encountering right now...

I dont know God what's Your plan for me, but I trust in You with my whole heart.. I dont know what's going on around me.. a lot of changes.. there are lot of things that i suddenly miss, I dont know why.. I feel so sad for myself about the things that I missed because of being too busy about myself..

i feel like crying right now..
God let Your strength be my strength.. I want to serve You with all of me.. a total surrender.. i dont know if a new environment will help me., but God, let Your will be done..



by God's strength...